13 Revelation

20.9K 395 19
                                    

13

Epekto ng di pa antok...3rd update!

*******************

Si Milette! Anong ginagawa niya rito?

“Bakit ka nandito?”

“Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan sayo? Bakit ka pa naririto? Poor you, Jellaine, you are such an idiot! Ang bobo mo!”

“Anong ibig mong sabihin?” Kinakabahan na siya.

“Oh! I’m sorry, hindi pa ba sinasabi ni Zanjo sayo? Sabagay, yun nga yung task ko today, to inform you everything!”

“I can’t understand you.”

“Hindi mo talaga maiintindihan dahil sa umpisa pa lang, tanga ka na! He was just having his revenge my dear, JEllaine, I pity you. And I guess ngayon nakuha ka na niya, na very obvious naman, dahil sa hitsura mo. I’m sure tapos na siya sayo!”

“no!”

“Oh yes! Do you know, Dionne Tan? Does it ring the bell? Masyado mo kasing sinaktan ang kaibigan niya, kaya ayun, kailangan mo ring masaktan.”

Dionne. Minsan nang naitanong ni Zanjo sa kanya iyon.

“Hindi ko siya kilala.” Nasabi niya. Pumasok na si Milette. Sinampal nito si JEllaine. “Eh gaga ka pala eh! Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon? Kung bakit comatose? Kaya ka naging girlfriend ni Zanjo ay para maramdaman mo kung paano iwan, kung paano magmahal na parang tanga tapos iiwan ka sa bandang huli.”

“No! Hindi yan totoo.” Umiiyak na siya.

“Hindi totoo, the see for yourself, here’s the hospital address. Go there and check. Bye Dear.”

Nanginginig na si JEllaine. Bumalik siya nang kuwarto para tawagan si Zanjo baka sakaling bumili lamang talaga ito nanag pagkain.Hindi totoo ang sinasabi nang Milette na yun. Nagkakamali lang siya. Hindi gumaganti si Zanjo sa kanya. Mahal siya nito.

Hindi sumasagot si Zanjo. Ring lamang ng ring ang telepono nito. Sinubukan niyang maghanap ng notes, baka may iniwan lamang na insyruction si Zanjo hanggang sa may mapansin siyang brown envelope sa drawer nito. Binuksan niya yun, una niyang nakita yung napakalaki niyang picture.

Bakit meron ako nito dito? Sobrang kaba na ang nararamdaman niya. “No. This is not true.”

Nandun lahat nang impormasyon tungkol sa kanya, lahat lahat, mula copy ng birth certificate niya at detalye tungkol sa buhay niya. Bakit? Tinignan niya ang date sa labas nang folder, that was before they’ve met. So planado ang lahat?

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now