34 Family?

18.5K 318 19
                                    

34

Alang-alang kay Jellaine, tatapusin ko tong story na to, hardest battle ko to ngayon, tapos, para mas mahirapan pa ako, gagawa ako ng di ko kinekering Teen Fiction! Waaaaa! Ayun na! Teka, weyt! Refresh nyo mind ko, ayaw kong mag back read, di ko pa naman binibigyan ng partner si Dionne ano? Yun lang…

***********************************************************************************

Masayang-masaya si Zanjo. Hindi siya makapaniwalang kahit papaano ay pinayagan ni Jellaine na madalaw niya si Mackie, despite of what had happened, despite of what he did to her two years ago. Papasok pa lamang siya ng condo nung biglang may sumalubong na ash tray sa kanya, mabuti na lamang at nakailag siya, kung hindi ay masasapul siya nito.

“Where have you been!” Sigaw ni Milette.

“What the f*ck!” Ang gulo-gulo kasi ng paligid, nagkalat ang mga basag na kagamitan. Ano bang klaseng babae ang napangasawa niya?

“Siguro nambabae ka no? You went to see that bitch, JEllaine.”

“Mag-ingat  ka sa sinasabi mo, Milette!” Hindi na siya nakapagtimpi.

“Ah! So, pinagtatanggol mo na ang babaeng yun! Bakit, dahil bumalik na siya rito sa Pilipinas? Anong akala mo, papayagan ko na magsama kayo ng babae mo ha!”

“Tumigil ka na! Huwag mong idamay ang taong wala namang kinalaman sa away nating dalawa, and will you please shut up! Naririndi na ako sa kakatalak mo!” Iniwan niya ito, umalis siyang muli sa condo. Mabuti pang matulog siya sa kubo kung si Milette lang naman ang makakasama niya.

“Hinding-hindi ko ibibigay ang kalayaang hinihingi mo, Zanjo! Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo ng babaeng yun!” Narinig niyang sabi nito bago umalis.

Si Milette ba ang karma niya sa mga ginawa niya kay JEllaine? Hanggang kailan siya magtitiis sa ugali nito? Nasa isang bar siya ngayon at umiinom. Mag-isa na naman. He remembered Dionne, nasayang yung sana ay pagkakaibigan nila. He also remembered the woman he supposed to marry before, then he remembred JEllaine and Mackie.

Paano ba itatama ang lahat ng naging mali niya. Paano ba ibabalik sa ayos ang lahat? Paano makikipaghiwalay kay Milette. Paano kung mayroon ng iba si JEllaine? Alam niyang may posibilidad na mangyari yun dahil maganda ito, sa totoo lang, mas lalo pa ngang gumanda.

Puro tanong ang nasa utak niya ngayon.

Mga tanong na alam niyang ang hirap sagutin.

Nung umuwi siya ay wala na ang asawa, wala naman siyang pakialam kung saan man ito napunta ngayon. Madalas ay nagpaparty si Milette, mahilig sa sosyalan, umiinom at naninigarilyo kasi ito. Complete opposite of JEllaine.

 Si Jellaine na naman, ayaw kasing mawala ng babae sa isipan niya.

Samantala ay hindi rin makatulog si Jellaine. Ngayong alam na ni Zanjo ang lahat, at nagkita sila ni Milette na asawa nito, ano ang susunod na mangyayari? Ayaw niya ng gulo. Ayaw niyang magulo ang tahimik na buhay ni Mackie, yes, she is willing to sacrifice anything para sa anak niya, but she is willing to do everything, para rink ay Mackie. Sana naman matanggap rin ni Milette ang anak nila ni Zanjo.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now