11 Milette

19.6K 312 4
                                    

11

Okay na ang nanay niya sabi nung doctor nung kinausap niya. Nakahinga siya nang maluwag. Mga isang Linggo pa raw ang itatagal niya sa hospital. Kahit ilang Linggo pa yan, basta gagaling lang ang Nanay niya, okay lang sa kanya.

Hindi pa rin nadalaw sa hospital ang nobyo niyang si Zanjo, pero naiintindihan naman niya, masyado itong busy sa trabaho, nung nakita nga niya kung saan ito nagtatrabaho, hindi niya naimagine na amay time pa itong sunduin siya. Siguro talagang mahal lang siya nito. Speaking of the word “mahal”, hindi niya pa narinig sa lalaki ang salitang yun. But she’s not that sensitive, alam naman niyang iba’t iba ang tao sa pagpapakita nang pagmamahal nila.

“Anak, uwi na tayo.” Nahihirapang sabi nang nanay niya.

“Si Nanay naman oh! Nag-eenjoy pa nga ako rito sa hospital! Ang daming guwapong doctor!” Pagbibiro niya.

“Tumigil ka, makukurot kita kahit masakit ang katawan ko.”

“Joke lang Nay! Kasi naman, hindi pa po kayo pupuwedeng lumabas sabi nang doctor, kailangan nyo pa raw hong magpahinga, hindi pa pupuwedeng magtinda.”

“Eh ano ang gusto mong gawin ko, tumunganga rito sa hospital?”

“Ganun na nga po, Nay. Bilangin nyo na lang po kung ilan ang guwapong nurse at pangit na doctor.”

“Bata ka! Puro ka biro! Mas lalo akong magkakasakit rito.”

“Nay! Kung kailangan kitang itali jan sa kama mo, gagawin ko, para gumaling ka lang! Wag nga matigas ang ulo Nay, para sayo lang din naman ito.”

“Saan k aba kumuha nang pera anak?”

“Wag nyo na pong problemahin yun, nanalo po ako sa sweepstakes kaya po may naipambayad ako.” Pagbibiro pa rin niya, ayaw niya kasing seryosohin ang lahat nang bagay pagdating sa Nanay niya, iba kasi kapag may sakit. Ayaw niyang malulungkot at mamomroblema ang Nanay niya.

“Wala na naman tayong ipon.”

“Nay, kay lamg yun, yung pera nakikita pa, ang buhay nang tao, iisa lang, saka pag nawala ka, paano na ako?”

************

Nakapila si Milette sa isang fast food chain, how she hates eating in this cheap places, kung hindi lang sa isang babaeng alam niyang dito nagtatrabaho at ito nga ang pinipilahan niya. Nakakainis, ang haba ng pila at naka stiletto pa siya! She was just curious and at the same time, she wanted to know her opponent better.

Nung papalapit na siya ay agad niyang nakita ang hitsura nito. She’s just ordinary, walang maganda sa kanya, simple ang make – up, dahil siguro lang ay required sa food chain na yun. Ano bang nagustuhan ni Zanjo rito? She’s very sure that she’s not his type! Alam niya kung sinu-sino ang mga babaeng dumaan sa buhay nito, araw man o buwan ang itinagal nun. At itong Jellaine na ito? Anong plano ni Zanjo? Kung talagang may gusto siya sa babae, eh dapat nasa kompanya ito at hindi sa isang lugar na alam niyang mahirap ang trabaho.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now