7 Sila Na

21.2K 333 13
                                    

7

 

As much as possible, ayokong magagaya siya sa story ng He’s In Control, sana…

********

“HImalang hindi ka nagmamadali, Jelly?” Tanong ni Winsor sa kaklase, dati kasi, alam niyang mga ganitong oras, halos nagkukumahog na si Jelly papuntang trabaho.

“Wala na naman akong trabaho, as usual, maghahanap na naman ng panibago.”

“Hi Jellaine! Wala na bang work, yung sinasabi ko sayo, pupuwede kitang ipasok dun sa company ng Tita ko, pupuwede akong makiusap sa kanya.” Biglang sabat ni Glake. Heto na naman ito, didiskarte na naman sa kanya, at ilang beses ba niyang sasabihin na ayaww niyang humingi ng tulong rito, ayaw niyang magkaroon ng utang na loob. Mamaya ang hingin nitong kapalit ay ang sagot niya.

“No thanks, Glake.”

“Hindi naman..”

“Okay lang, maraming pag-aaplayan.” Pagsusuplada ulit ni JEllaine sa binata. Napakamot na lang ito ng ulo.

“Ihahatid na lang kita, I mean hindi sa bahay mo kundi sa sakayan lang nang jeep. Pagbigyan mo naman ako.” Pakiusap nito.

“Maghanap ka na lamang kasi ng ibang maliligawan, ilang beses ko nang sinabi sayo di ba? Wala kang aasahan sa akin.”

“Sina Glake, next time na lang. Mainit ang ulo.” Bulong ni Winsor sa binata. Lulugo-lugong umalis ito sa harap nila.

“Ikaw naman girl, bakit ganun ka na lang ka harsh kay Glake, mabait naman ang taong yun, guwapo, mayaman, pwede na. di ba?”

“Hindi ko nga siya gusto. Mahirap kaya turuan ang sarili mo na gustuhin ang isang tao, Winsor.”

“Ay oo na! Wala na akong sinabi. Sino baa ng gusto mo, yung mamang de kotse na tall, a little bit dark, and uber handsome?”

“Sira ulo!” PEro napangiti siya, bago lang kasi na may text itong nareceive mula kay Zanjo, susunduin raw siya nito sa mall. Hindi siya nagreply, hindi niya rin sinabi na wala na yung dating hotdog stand niya dun.

“Kitam! Huli ka talaga!”

“Hindi naman nanliligaw yung tao, Winsor, saka kakakilala ko pa lang sa kanya, ni hindi ko nga alam ang pagkatao nun.”

“Eh di kilalanin mo pang mabuti! Siyempre, malakas ang kutob o na may gusto yun sayo, di ba nga sabi mo, hinatid ka pa sa bahay niyo, so ano baa ng ibig sabihin nun? Halllowww!”

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon