44

14.5K 336 22
                                    

44

At kinilig ka talaga ng wagas, Jellaine ha! Hindi halata sa last mo na commentsssss sa last chapter! Wahahaha! Peace!

Hindi na nakapag-isip ng tama si Jellaine when Zanjo kissed her. The moment that his lips touched hers parang nasa ibang mundo na siya, all she wants is to be happy. And being with Zanjo makes her happy, paulit-ulit man niyang lolokohin ang sarili, alam niyang iyon ang totoo. Mahal niya si Zanjo at hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya rito.

There was hunger in their kisses. Yun bang ilang taon na tiniis nila na hindi ipadama ang pagmamahal sa bawat isa. Lunod na lunod sila sa nararamdaman nila ngayon. Zanjo hugged her tight, yung tipong ayaw siyang pakawalan, yung tipong sa mga sandaling iyon, gusto niyang maramdaman ni Jellaine ang pagmamahal niya. Hindi na nila napigilan ang nararamdaman sa bawat isa, all they wanted right at that moment is to express what they feel, and if kissing and touching will be the way, then be it.

Namalayan na lamang ni Jellaine na inihihiga na siya ni Zanjo sa malambot na kamang iyon, lumalim ang mga halik, lumawak ang mga haplos, hangang sa alam niyang unti-unti na nitong tinatanggal ang mga saplot niya. Kung gugustuhin niya, may lakas pa siya para tumanggi, pero ayaw ng puso niya. Puwede bang kahit sa mga sandaling iyon, kalimutan na muna niya ang kung anong problema nila ni Zanjo?

**************

(Hirap gumawa ng bed scene! Grabe, may grade five ako na reader na umaabot rito! ---nakitsismis lang! Kaway-kaway!)

Both of them were naked at that time. Nakaunan siya sa braso ni Zanjo, yakap siya nito. Both of them were just looking at the ceiling, neither of them wanted to talk. Maya-maya lang ay naramdaman niyang humarap sa kanya si Zanjo, ayaw pa rin niyang tumingin rito. Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o ano, basta halo-halo ang nararamdaman niya sa ngayon.

Zanjo kissed her at her forehead, then down to her cheek, papunta sa mga labi niya. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi tumugon sa mga halik nito. Ang hirap!

“I love you.” Biglang sabi nito sa kanya.

Pumikit muna siya bago nagsalita. “I love you too.”

Zanjo felt like he was in heaven at that moment. Parang lahat ng naipon niyang hirap ay agad na nawala dahil sa sinabi ni Jellaine. Sa ngayon, yun ang pinakaimportante sa kanya. Tama nang malaman niyang mahal rin siya nito.

Halos isang oras pa silang ganoon, magkayakap, bago nagyayang umuwi si Jellaine. Ayaw niyang kumontra kahit pa nga gusto niya sanang dun muna silang dalawa. Gusto niyang magtanong kung ano na ang susunod na mangyayari, pero natatakot siya sa maaring sagot nito. Natatakot siyang mawala ang natitira niyang pag-asa.

Nung nasa harap na sila ng bahay nina Jellaine ay parang ayaw niyang umalis ang dalaga sa tabi niya, ayaw niyang bumaba ito ng sasakyan. Naramdaman yata ni Jellaine ang laman ng puso niya. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Don’t worry, ganun pa rin ang laman ng puso ko.” Pagkatapos ay lumabas na ito ng kotse niya. Naiwan siyang tulala. Ano raw? Late reaction yata siya.

Ibig bang sabihin nun ay mahal talaga siya nito? Yung I love you nito kanina ay totoo?

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now