38

16.6K 330 7
                                    

38

Zanjo was alone in his big house, hindi sila madalas naglalagi ni Milette rito nung sila pa, madalas ay nasa condo sila. Kung tama baa ng naging desisyon niya apat na taon na ang nakaraan, magiging masaya kaya siya ngayon? Alam niya ang sagot.

OO.

He always imagines the happy memories he had from Jellaine, all the smiles he gave him. Siguro kung sila ang nagkatuluyan, nakakailang anak na sila, puno na nang halakhak ang pamamahay na ito. Pero kung nagkataong may panahon pa, hindi niya ititira rito ang mag-ina niya, magpapatayo siya ng bahay para sa kanila. Jellaine is always the simple woman he knew, simple lamang ang gusto nito, simple ang mga pangarap.

Malungkot siyang ngumiti. Simple nga lang pero hindi naman niya kayang ibigay dahil pag-aari na ito ng iba. Pero hindi pa naman sila kasal ni Dionne, at malaya na siya ngayon, possible kayang madugtugan pa kung ano ang meron sila dati? Kaya pa ba niyang ibalik ang lahat ng nawala sa kanila?

Blood came rushing through his veins. Now he made up his mind, gagawin niya ang lahat para maibalik sa dati ang relasyon nila ni Jellaine. Nagyon pa na wala ng hadlang sa kanilang dalawa. He thought of Dionne, will he understand? Kakayanin ba niyang saktan muli ang kaibigan? Pero paano siya? Paano kung mahal pa rin siya ni Jellaine hanggang ngayon?

“Paano kung hindi na?” Kausap niya ang sarili.

“Paano kung oo?” Napalingo siya sa nagsalita. Si Jay Craig Chou. Ang tagal din niyang hindi nakita ang taong ito.

“Kumusta? Broken hearted pa rin ba? I had heard what had happened between you and Milette.” Umupo ito sa tabi niya at nagsalin ng alak.

“Ang bilis ng balita ah.”

“You know, we are in the business world, Zanjo. Although I don’t know the whole details. And I will not dare ask for more, I had seen you in your worst for the past four years, I know you are happy now.” Asar nito.

“Damn! Wala ka pa ring pagbabago JC, how’s Mavee and the twins?”

“I have a happy life right now, man. Ang winowork-out ko ay ang magkaroon ulit ng panibagong kambal. What about you? Kumusta ang mag-ina mo?” Alam naman kasi nito ang nangyayari sa kanila ni Jellaine, kapag wala siyang makausap ay si JC ang madalas niyang tinatawagan.

“I was trying to figure out kung may pag-asa pa bang mabuo ang pamilya ko, pare.”

“Of course you have! Kasal ba siya? May nobyo ba?” Hindi pa kasi niya naikukuwento ang tungkol sa kanila ni Dionne.

“She’s single, but has a boyfriend.”

“Boyfriend lang naman pala eh.”

“Si Dionne. Siya ang boyfriend ni Jellaine.” Malungkot niyang sabi. “At-at nakikita kong masaya siya sa piling ni Dionne ngayon. Close sila ng anak ko, at alam kong mamahalin ni Dionne si Mackie katulad ng isang tunay na anak.”

“So?”

“Anong so?”

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now