18 The Client

21K 387 13
                                    

18

Di ko alam san napunta ang update ko ngayon.........

**********************************************************************

Unang araw ni Jellaine sa opisina ni Zanjo bilang secretary nito. Dahil nga may ilang araw pa bago mag semestral break ay kailangang magtrabho siya rito nang buong Sabado, may mga iilang nandun din sa opisina dahil siguro nag oovertime, pero siya ay regular day niya iyon. Nagtaka siya dahil wala sa labas nang opisina ni Zanjo ang table na dating inookupa ni Dante. Saan siya uupo?

She was standing there for few minutes already wondering where to stay when Zanjo appeared in front of her. Napalundag pa siya sa gulat. Napakaseryoso ng mukha nito. Tumingin pa ito sa wall clock na nasa harap niya para iparamdam na late siya nang ilang minuto, pero wala siyang pakialam sa taong kaharap niya kahit na boss niya man ito ngayon.

“What are you doing there?” Tanong nito kay JElllaine.

“Standing?”

“I know! Why are you standing there instead of staying on your place inside the office. You are wasting your time!”

“As far as I know, the table of Dante was here.” Nagtataka pa rin siya.

“Pinalipat ko na. Nasa loob na ng opisina ko.”

Gago talaga! Ano ito, pinagtitripan siya? Dahil siya ang bagong secretary nito gusto niya sa loob siya mag stay?

“Yes Babe, you will be staying inside with me. And what I hated most is a latecomer. Now, get ready because I will be meeting a client and I need you.” Seryoso nitong sabi sa kanya.

Nakasimangot na pumasok siya nang opisina nito at totoo nga, yung table na dati ay nasa labas ay nasa loob na nito ngayon paharap sa magiging Boss niya. So, magkaharap sila? Ano ito, sinasadya? Nang-iinis? Hindi dapat siya paaapekto, hindi dapat siya magrereklamo dahil baka akalain ng walanghiyang Zanjo na ito na affected siya. Kaya niyang sumakay sa mga laro nito.

Inilapag niya ang dala niyang gamit sa lamesa at uupo n asana nung magsalita na naman si Zanjo. “Let me remind you my dear secretary that I am waiting for you, we will be meeting a client in thirty minutes.”

Blangko ang ekspresyon na tumingin siya rito, pagkatapos ay kinuha na muli ang bag niya. Ni hindi man lang siya nag abalang tignan kung maayos pa baa ng hitsura niya o kung kailangan pa ba niyang mag retouch man lang. Sumunod na lamang siya kay Zanjo.

Nung maramdaman ni Zanjo na nakasunod si Jellaine sa likuran niya ay sandal siyang huminto para hintayin ito. Jellaine also stopped thinking that Zanjo had left something. O baka siya ang may nakalimutan na dapat sana niyang dalhin bilang sekretarya.

Nainis naman si Zanjo, pati ba naman sa paglalakad ayaw rin siyang makasabay ni JEllaine?  “Can’t you just walk beside me? Nagmumukha kang guwardiya ko.” Pagsusuplado niya.

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon