5 Meet Some Friends

22.2K 340 2
                                    

5

“Jellaine.” Ulit nito. “Nice name.”

Bakit di niya kayang salubungin ang mga mata nito? Bakit parang tagos at nababasa na halos nito ang kaluluwa niya. Umiwas siya ng tingin.

“Sige ha. Magtatrabaho na ako.” Hinanda na niya ang kakailanganin niya.

Nakatingin pa rin si Zanjo sa kanya. Bakit kailangan pa ng oportunistang babaeng ito na magtrabaho sa mall kung kayang-kaya naman nitong humingi ng pera sa mga lalaki niya? Kung kaya naman nitong humingi ng dagdag tuition fee? Isa rin ba ito sa mga strategies niya?

“How much do you get from working here?” Seryoso nitong tanong.

“Ha?” Bakit ba talagang nakakailang itong tumingin?

“Magkano ba ang pasuweldo sayo?”

“Enough for me to have an extra allowance.”

“I see. So, kailangan bang maubos yang mga paninda mo?”

“Hindi naman talaga, pero mas maganda kung oo, para may commission ako.”

“Okay, magkano bang lahat nang mga iyan, bibilhin ko na at nang makapagpahinga ka na.”Dire-direchong tanong nito.

“Ha?” Tinignan niya ito, mukha namang seryoso. Sobrang seryoso nga na hindi niya kayang tignan.

“Customer is always right, di ba? So bibilhin ko nang lahat ng hotdogs mo, then I’ll take you home.” Walang paliguy-ligoy na sabi nito. Ganun siyang tao, straight to the point, walang flowering words.

“are you serious?” Nanlalaki ang mga mata na sabi nito.

“Mukha ba akong nagbibiro?”

Ang nagyari, tinulungan pa siya nitong magbalot ng mga binili niya. At dahil ubos na, wala naman siyang choice kundi isara ang stall, pero hindi niya lang alam kung magpapahatid siya. This man is a complete stranger, at isa pa, bumibilis ang tibok ng puso niya sa mga tingin nito. Yung mga tingin na nanunuot.

“Ihahatid na kita.” Hindi niya alam kung masyado lang ba siyang kinakabahan kaya feeling niya demand yun at hindi request.

“ah, hindi na. Malayo yung amin, masikip yung daan, saka okay na ako. Salamat ha.” Tanggi niya.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now