Chapter 3

1K 23 8
                                    

Kath Pov

After namin mag breakfast sinabihan ako ni Jake na mamasyal na lang muna ako mag isa. Buti na rin yun, baka makita ko dito ang dream boy ko.

Nag decide muna ako na bumalik muna sa room ko para makapagpalit ako ng damit. Kinuha ko ang swimsuit ko na kulay black at pinatungan ko ito ng manipis na white dress..

I feel free! salamat sa deal namin ni Jake naranasan ko maging malaya sa parents ko na alam lahat ng ginagawa ko. Hindi lang sila nagtatanong pag alam nila na ang bestfriend ko na si Jake ang kasama ko. Sinabi ko din kasi na may meeting kami regarding sa company namin ng mga kaibigan ko.

Nagtaka pa sila nung una dahil alam nila na nasa honeymoon stage daw ang kaibigan ko. Sinabi ko na lang din na ipapakilala ako dun sa asawa niya dahil hindi ako nakapunta sa wedding nila.

Buti na lang at nasa ibang bansa pa sila kaya safe dahil hindi nila makakausap ang parents ni Jake.

Nalibang ako sa pamamasyal dahil ang daming magagandang bagay dito. Nakakita ako ng nag tatattoo, gusto kong itry.

"kuya magkano mag pahenna tattoo sa likod sa bandang batok?" tanong ko kay kuya na busy sa pagtatattoo sa dibdib ng lalaki.

"depende po sa design ma'am"

Ang ganda ng pinapagawa nung lalaki. maliit na anchor tattoo, alam ko maraming meaning yung pinapagawa niya at dalawa na dun yung Loyalty and Hope kung hindi ako nagkakamali.

"Dream Catcher po yung napili ko kuya."

"Sige po Ma'am"

"Nice choice Miss" nagulat ako kasi nakapikit yung lalaki akala ko tulog siya yun pala nakikinig samin ni kuya.

"The feather stands for breath and air, which are essential for life. so nice choice" feeling ko nakita ko na yung dream boy ko. ang gwapo eh. pero nakakainis puro salita naman tong lalaki na ito ayaw manlang dumilat para makita ang maganda kong mukha.

Umupo ako malapit sa hinihigaan niya ako naman na ata yung susunod eh.

"Thanks.  I choose Dream Catcher cause they also protect the person who wears them against nightmares and bad dreams, while helping nice and joyful dreams to enter his or her mind."

"Buti dito ka kay kuya magpapagawa, magaling ito. sabihin mo lang yung gusto mong design alam na niya"  sabi niya pa din

hindi na ako nagsalita after niyang sabihin yun.  Ang ganda ng view ko eh, libre ko siyang natititigan dahil nakapikit pa din siya.

"Sir tapos na po."

Nang marinig ko si kuya na tapos na yung ginagaw niya tumingin ako sa ibang direction para makapagtago sa kanya.

"Salamat kuya. ito po yung bayad ko."

"Sir wala pa po akong pangsukli dito maaga pa po kasi"

"Ayos lang po. Keep  the change" medyo tumingin ako sa way niya para makita if nakaalis na siya, pero paalis na dapat siya pero lumingon siya sa kinauupuan ko.

Nakangiti siya sakin nung una pero nawala yun ng tuluyan na akong nakatingin sa kanya ng diretcho.

" Is there any problem?" takang tanong ko.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now