Kath POV
Ilang weeks na ang nakalipas after ng new year. At ayun parang ilang beses ko pa lang nakita ulit si Ethan. Ewan ko ba bakit bila kaming nabusy after ng new year.
Yung gagawin ko kasi na project kay Kier yung pinagkakabusyhan ko lately. Tinatapos ko yung draft ng design na gusto ni Kier. Hindi naman mahirap lalo na ng makita ko na yung place nung nakaraang araw. Pero ayun nga yung pinagmulan ng tampuhan namin ni Ethan.
Bigla ko tuloy naisip yung tampuhan namin ni Ethan.
"Hey asan ka?, Bakit wala ka sa office mo today?" Sabi ni Ethan
"Ah. Sorry hindi na kita nasabihan na nasa cebu ako ngayon. Kakarating konlang actually"
"Bakit agad agad naman ang punta mo dyan? Akala ko ba mga feb mo pa gagawin yung visit dyan?"
"Eh kasi si Kier bumili pla sya agad ng ticket para makita ko na yung lugar at magawan ko na din ng plano"
"So kasama mo sya ngayon? Sana naman Kath tumawag ka man lang o kaya text man lang na aalis ka. Hindi yung kung kelan nandito ako at kung hindi ko pa tinanong si Decx baka namuti na mata ko kakaantay sayo"
"Sorry nakalimutan ko...." naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Kier
"Hey! Kath lets go! Nagaantay na yung driver"
Magsasalita plang sana ako ng magsalita ulit si Ethan.
"Wag mo masyadong ipahalata sakin na huli ako sa mga priorities mo. Sige na, bye"
"Tawagan kita later, babs! Sorry. I love..."
Di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nyang binaba.
Gusto ko magalit sa kanya pero alam ko naman na kasalanan ko. Pag sya kasi ang aalis o kaya may pupuntahan ng malayo nagsasabi sya sa akin bago sya umali tapos ako sa cebu pa ako pumunta nakalimutan ko pa magsabi.
Hay naku Kath! Sa dinamirami ng iniisip ko at gagawin nakalimutan ko na nga magsabi kay Babs. Hay. Babawi ako pag uwi ko.
After 3 Days nakabalik kami ni Kier dito sa Manila at ayun nga busy na naman ako para sa draft ng design na ginagawa ko. Kaya ayun sa loob ng 3 days yung unang araw ko lang nung tumawag si Ethan yung last na usap namin.
Nag try akong tawagan sya pagkalapag ng airplane dito sa NAIA. At agad nyang sinagot tawag ko.
"Hi Babs! San ka? Pwede ba tayong magkita?"
"Nasa office ako ngayon. Maraming ginagawa kaya baka hindi ako pwede ngayon."
"Ah ganun ba. Kumain ka na ba ngayon? "
"Hindi pa pero inaantay namin yung pinadeliver ko" parang walang ganang sabi niya.
"Wag kang magpapagutom! See you tomorrow please?...."
Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng marinig ko yung boses nung babae...
"Baby.. kakain na. Andyan na yung pinabili mo..." masayang sabi nung girl
"Sunod na lang ako Amy sa pantry.."
"Kath i need to go. Nag aantay na yung client ko pati mga officemates ko.."
"Ah okay. Pakabusog ka. I love...." Hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko ng bigla na naman nyang binaba yung tawag ko.
Hay alam ko kasalanan ko. Kaya waa akong karapatang magalit.

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...