Kath Pov
Nakakaenjoy mag Flyfishing at Jet ski. Ang sarap sa pakiramdam. Buti na lang may kasama ako ngayon kung hindi baka nakaupo lang ako sa sulok ngayon. Medyo nawawala na yung pagkabadtrip ko sa kanya dahil ok naman pala siyang kasama.
"Picture tayo Ethan!"
"For what?"
"Syempre para may remembrance tayo sa mga pinaggagawa natin dito."
"Ok"
Ako na lang nagpicture samin gamit yung cellphone ko.
"Lumapit ka naman ng konti. para swak sa picture. dali."
Nagtry na ako kumuha ng picture namin pero hindi naman siya ngumingiti.
"Try mo naman magsmile"
"Pag nagsmile ba ako sasamahan mo pa ako sa mga activities na gusto ko pang gawin?"
"Oo naman basta libre mo."
"Ok. picture na tayo"
Ang ganda ng mga kuha namin. Mukha kaming mag girlfriend - boyfriend.
"pwede ko ba itong iupload sa instagram?" baka mamaya pag pinost ko magalit siya eh.
"Oo naman. wala naman sakin magagalit eh."
"hahahaha. wala naman ako sinabi na may magagalit sayo"
Hindi na siya umimik kaya naman tinignan ko na lang maigi yung mga pictures namin, ngunit hindi pa ako tapos tumingin ng mga picture namin ay nag aya na naman siya.
"Parasailing tayo. Game?" Nakangiting tanong niya.
Ang pinaka ayaw ko ay yung mga regarding sa mga heights. May takot ako dun.
"Ahh.. Ikaw na lang. Antayin na lang kita dito Ethan"
"Why? natatakot ka ba?" pang aasar niya.
"Nope"
"Yun naman pala eh. Let's try it"
Tsk. Nakakainis. Ayokong malaman niya na takot ako sa heights.
Tumayo na siya sa pagkakaupo at linahad niya yung kamay niya sa akin.
"Come on!"
Bahala na kahit asarin niya ako, Ayoko talaga. Aamin na ako na may takot ako.
"Ethan"
"Yes?" takang tanong niya.
"Ayoko sumakay dun. Takot talaga ako sa heights" yumuko na lang ako at inaantay ko na tumawa siya pero wala akong narinig.
Lumuhod siya sa akin at ngumiti ng tipid.
"Come on. Hindi naman kita iiwan dun. Pangdalawahan yun. wag ka na matakot. Enjoy mo lang,kasama mo naman ako"
"Ok" nag aalangan man ako pero tama naman siya. Hindi naman siguro masama if haharapin ko yung takot ko.
parasailing humanda ka pag nasubukan na kita!!

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...