Kath POV
WOW! sobrang saya ko. Para kasi akong bumalik sa pagkabata. Biruin mo andito na naman ako sa EK!
Gusto ko sumakay sa mga rides! nakakaexcite ng heart!
"You look amaze" natatawang sabi ni Ethan
"Super! last na punta ko dito bata pa ako! kaya naman gusto ko sana itry lahat ng mga bagong rides.!" excited na sabi ko.
"Try natin. mahaba pa naman yung oras natin dito eh"
"are you sure?"
"yeah!"
"yes! let's go! try na natin lahat. hahahahaha"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako kay Ethan. Sobrang putla na kasi ng itsura niya.
Una namin sinakyan yung Ekstreme Tower then sumakay din kami sa Disk-o-magic at ngayon naman nakapila kami sa Space Shuttle.
"Ethan gusto mo ba na mag rest ka muna?"
"It's ok." kampante na sabi niya sa akin
"Mukha ka na ngang mahihimatay eh. tsaka hindi naman mababawasan yan pag kapogi points mo sa mga nakakakita sayo." natatawang sabi ko.
"Ok lang ako. nakapila na tayo eh."
"sige after nito kain muna tayo then ikaw naman mamimili ng rides natin."
"Sige. pero teka nga bkit parang d ka takot sa rides? bakit nung nasa bora tayo takot ka tumalon nun?"
"Kasi sanay na ako sa rides na ganito. yung sa bora naman kasi hindi ako marunong lumangoy talaga."
"ah ok. tara na malapit na tayo sa unahan oh"
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko tapos inalalayan niya ako na lumakad papunta dun sa sinusundan namin na nakapila din. Hindi ko din maiwasan na hindi marinig yung usapan nung mga malapit samin.
"Ang hot naman ni kuya. ang gwapo!" sabi ni ate girl.
"Kaya nga eh. sana ako na lang kasama niya." sabi din nung isa na kasama nila.
"Naku mukha wala na tayong pag asa kasi meron na siyang kasama oh. magkahawak pa sila ng kamay."
Nang marinig ko yung sabi nung huling nagsalita. Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak ni Ethan sa kamay ko kaso mas hinawakan pa niya ng mahigpit.
"Wag mo kasi silang pansinin." sabi ni Ethan.
"Ang lakas naman kasi ng boses nila. tsaka ok lang naman kahit hindi tayo maging sweet sa isa't isa kasi wala naman dito yung parents ko."
"Kahit na para hindi ka mailang."
Makikipagtalo pa sana ako kaso ayun turn na namin para sumakay sa space shuttle.
After namin sa space shuttle kumain muna kami then nag try din kami sa Rio grande.
Natatawa ako kasi halos lahat ng kasama namin dun puro babae si Ethan lang yung lalaki tapos ayun sobrang ilang niya kasi sobra makatili yung iba tapos halatang nagpapacute sa kanya.
"Let's go?" aya niya sakin nung makabalik na kami dun sa start.
"yep." nagulat ako ng linahad niya yung kamay niya sakin. at dahil nakita ko na nakatingin pa din yung mga nakasama namin sa ride agad kong hinawakan yung kamay ni Ethan. Nung nakatayo na ako agad ko siyang niyakap sa waist, tapos hinila ko na siya palabas.

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...