Chapter 11 - Part 5

621 23 4
                                    

Kath POV

Matapos mag swimming naming mga girls. Inihanda na ng mga boys yung table na malapit sa pool para makakain daw muna kaming lahat tapos makabalik ulit sa swimming para mag party.

so bali ang pwesto namin paikot. si Pao, Hanna, Sharmaine, Ace, Angel, Ako at si Ethan.

"Nga pala ano plano nyo ngayong new year? san kayo?" tanong ni Sharmaine. magsisimula na ata itong babae na to. hahaha

"Ako baka umuwi ako ng cebu. Gusto kasi nila Mommy na maglibot dun ulit." sabi ni Hanna

"ikaw Kath pati Ethan?" tanong ni sharmaine

"Hindi ko pa sure eh. depende kila mommy."

"Ako depende din. baka d naman ulit umuwi sila mommy. so baka ako lang mag isa"

Napatingin ako kay Ethan ng sinabi niya yun. Gusto ko pang magtanong kaso nahihiya ako.

"ikaw naman Angel? kasama mo bang mag cecelebrate yung pinakita mo samin?"tanong ni Hanna.

Nakita ko na parang nag aantay ng isasagot ni Angel si Ace.

"Oo. Excited kasi sya every new year. Gusto pa daw kasi niya tumangkad" natatawang sabi ni Angel.

"Bakit ba lagi na lang kasama sa plano mo yung lalaki na yun. Ganun ba siya ka importante sayo?"

"Opo sir."

pagkasabi ni Angel nun agad na tumayo si Ace at pumunta sa loob ng bahay.

Akala ko hindi na sya lalabas yun pala dala na niya yung ibang beer na binili kanina. Parang gusto ko na din uminom. akmang tatayo na ako ng hawakan ni Ethan yung kamay ko.

"san ka pupunta?"

"kukuha lang ako ng beer mukhang masarap yung iniinom ni Ace eh."

"Kumain ka muna. ang konti pa lang ng nakakain mo eh."

"sasabayan ko na lng yung pagkain pag iinom ako."

"ang kulit. kumain ka muna." medjo inis na sabi niya sa akin.

hindi na lang muna ako magiging pasaway. nakakahiya naman saknya pati sa mga friends niya.

After namin mag dinner. lahat kami nakaupo na sa may gilid ng pool. Ang dami pang drinks na hindi pa namin na iinom. yung mga boys naman nasa may pool na habang nag kwekwentuhan.

"Guys! laro tayo! truth or dare!" sabi ni Hanna

"Game! bawal Kj!" sabi ni Paolo.

"Ok! para makapili tayo kung sino gagawa! bunutan na lng ng name! hahaha actually ready ako dito. ginawa ko na kanina yun." sabi pa ni Hanna sabay pakita sa hawak niya.

"Game na!" sigaw ni Sharmaine

nakakaexcite din pala tong ganitong laro.

unang bumunot si Paolo.

"Sharmaine! yun oh! truth or dare?" natatawang sabi ni Pao

"Dare!"

"yang hawak mo na beer ibottoms up mo!"

nagulat na lang ako ng gawin nga ni Sharmaine yung sinabi ni Paolo.

"malakas uminom si Sharmaine. baliwala sa knya yan." sabi ni Ethan ng makalapit siya sa akin.

"Finished! ako naman bubunot!" sabi ni sharmaine

"Ethan! hahaha truth or dare?"

"Dare." simpleng sabi ni Ethan

"ikiss mo si Kath! yung torrid!" nakangising sabi ni sharmaine.

ano ba naman yan. gusto ko yan! sana pumayag si Ethan. wahahahaha

lumapit ng konti si Ethan sakin at hinatak ako pababa ng pool. ng makababa na ako agad naman niya akong hinalikan.

Alam niyo yung feeling na ayaw mo huminto sa ginagawa niyo? pero nauubusan ka na ng hangin? my heart. OMG!

Napatigil kami ng may humatak sakin palayo kay Ethan.

"Tama na yan! naiinggit ako eh." sabi ni hanna habang natatawa.

namula ako at napatingin kay Ethan. napaiwas ako kasi nakatingin din siya sa akin.

"ako na bubunot!" sabi ni Ethan.

"Paolo! truth or dare?"

"dare syempre!"

"sige sumayaw ka ng pabebe!"

game naman na sumayaw si paolo at may nakaready pa siya na music. hahaha

"bubunot na ako! Angel!"

"Truth."

"May chance ba sayo si Ace pag nanligaw siya?" lahat kami halos inaantay yung sagot ni Angel.

"Yes." Omg! kinikilig ako. nakatingin kasi siya kay Ace nung sinabi niya yun. at Si Ace naman nagulat sa sagot ni Angel.

"Sure ba yan baby?" nakangiting sabi ni Ace

ngumiti lang siya bilang sagot sa tanong ni Ace. wow! ang sweet.

Bumunot na si Angel at ako ang nabunot niya.
"truth or dare"

"Dare!"

Natawa ako kasi binulungan ni Paolo si Angel.
"Kath gawin mo daw yung dare kay Ethan kanina. mukhang nabitin daw kasi kayo" nahihiyang sabi ni Angel

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang may humawak sa braso ko at agad ulit akong hinalikan. sh*t! naaadik na ata ako sa kiss ni Ethan. omg.

"Times up na!" agad naman kami ulit nag hiwalay ni Ethan.

"Ako naman bunutin mo Kath! tapos pagawa mo din yung ginawa niyo." lahat nag tawanan sa sinabi ni Ace

"Ace ikaw nga nabunot ko. truth or dare?"

"Truth!"

"Seryoso ka ba kay Angel? 1-10 gaano kaseryoso?"

"Lagpas pa sa 10. Kaya baby nagselos talaga ako dun sa pinakita mo sa kanila na picture eh. sarap suntukin nung katabi mo dun. nakayakap pa kasi. wag ko lang sya makita dahil magkakapasa talaga siya sa mukha." mabilis na sabi ni Ace

"Magagalit si Angel pag ganun ginawa mo. dba bebe?" sabi ni Hanna.

"Oo. hindi mo naman kailangang gawin yun. tsaka iba naman pagkainportante nung nakita mo na lalaki."

"Kahit na. ayokong hahawakan ka ng ganun no."

"napaka possessive naman bro!" asar ni Pao

"Basta ayoko na ganun ngiti mo baby dun. payagan mo na ako baby na manligaw sayo promise hindi kita sasaktan at masasabi ko lng na iiyak ka lang dahil sa sobrang saya. payagan mo na ako manligaw baby, please" unti unting lumapit si Ace kay Angel.

Kinikilig ako ng mag Oo si Angel kay Ace. halata naman kasi na seryoso siya kay Angel eh.

"Pero ok lang ba na wag ka mag expect na babaguhin ko pakikitungo ko dun sa nakita mo?"

"ayoko. baguhin mo pakikitungo mo dun o kaya naman iwasan mo siya. ayoko makita kayo na magkasama."

lahat kaming girls tumawa at parang gulat na gulat naman yung mga boys.

"naku baka hindi kita sagutin niyan pag hindi mo makasundo yun."

"bakit naman?"

"Kapatid ko kasi yun Ace."

"Seriously?"

"Oo!" lahat kaming girls sumagot nun sa tanong nya. hahahaha

ang saya ng gabi namin kasi marami pa kaming bonding moments na ginawa. hahaha

Pero mas tumatak sakin yung ginawa namin. i Ethan sa Truth or Dare.

——————————————————-
Sorry sobrang late ng update. bawi ako ulit next time. 😉😉

Happy new year! 😊😊

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now