Chapter 15 - Part 2

488 12 0
                                    

Kath POV

Ako na excited para mamaya. Susunduin kasi ako ni Ethan. Kaya naman umaga plang tinatapos ko na yung nga plano kong tapusin. Baka maaga na naman yun pumunta dito.

10am pa lang naka tanggap ako ng tawag kay Becca. Nasa may restaurant daw sila ni Chesca malapit dito sa office. Kaya naman pumunta muna ako sa kanila. Tagal ko ng hindi nakikita yung dalawang yun.

"Hey!" Bungad ko sa knila ng malapit na ako sa table nila. Kaya agad naman nila ako liningon at nakipag beso.

"OMG kath! Tagal ka na namin di nakita. After pa ata ng party ni Ace ka namin huling nakita." Sabi ni chesca.

"Yeah! Tagal na nga masyado. Ewan ko ba lagi naman kasi tayong busy kaya ayun. Wala man lang tayong get together" sagot ko naman.

"Ok nga pla. Kamusta na si Erickson? Parang nakita ko last time yung sasakyan nya"

"Ayun malihim pa din sya. Pagkinukulit namin parang laging inis sa phone nya. Minsan pa nga   Nung lumabas kami may kausap sa phone tapos halatang galit tapos sabay paalam na may pupuntahan daw sya" kwento pa ni Chesca

"Hahahah ang dami ko ng namiss sa barkada"
Natatawang sabi ko.

"Kaya nga. Buti na lang parehas kami hindi busy ni Chesca ngayon ." Natatawang sabi ni Becca

"Eh kayo ni Pao kamusta?" Pang aasar ko kay Becca

"Nag uusap kami pero ewan ko ang labo pa eh. Kayo ba ni Ethan?"

"Ayun okay naman. Sana magtuloy tuloy." Nakangiting sabi ko

"Buti pa kayong dalawa." Inggit na sabi ni Chesca.

"Why? Hindi pa din ba kayo okay ni John?" Gulat na sabi ko.

"Yeah. Alam ko naman na kasalanan ko pero sana pinakinggan nya muna ako." Malungkot na sabi ni Chesca.

"Don't tell me yung imikan nyo nung nasa party pa?" Takang tanong ko.

"Hindi nman. Pero wala eh sarado utak nya ngayon. " malungkot na sagot ni Chesca sa akin.

"Hay naku. Tigilan na nga nating tatlo muna ang lovelife."
"Kumain na lang muna tayo." Natatawang sabi pa ni Becca.

Halos ilang oras pa kami nag kwentuhan sa restaurant. Nakakahiya tumambay buti na lang sa parents ni Chesca itong restaurant.

Paalis na sana kami nila Chesca ng nakita ko si Amy na may kasamang mga kaibigan nya. Buti na lang hindi nya ako napansin at nakapwesto sila sa likod namin.

Dahil feeling ko pag uusapan nila si Ethan kaya sinabihan ko sila chesca na kung di naman sila busy mag order na lang din kami ng coffee.

Buti napagbigyan nila ako at malaya din akong nakinig sa usapan nila dahil may report lang daw na ipapasa si Chesca sa mother nya at itong si Becca naman may sinagot na tawag.

"Girl! Nakita ko post mo. Seriously? Si Ethan gagawa ng gusto mong ipatayo?" Sabi ng kasama nyang babae

"Yeah! And guess what."

"Hay naku. Ayoko ng manghula. Care to share na agad?" Natatawa naman na sabi nung isa.

"Kasal na si Nicole. Kaya pwedeng pwede ko ng makuha si Ethan."

"Hay naku Amy. Huli ka na sa balita. Ang alam ko May girlfriend na si Ethan."

Yeah b*tch! At ako yun. Gusto ko sabihin yun pero nakakahiyang sumabat.

"Yeah i know. Pero mabilis lang maagaw yun doon. For sure di naman ganun kalalim yung pagkagusto nya dun. Tsaka magpapakita lang ako ng motibo kay Ethan hahabulin na ako nun"

"Hay naku Amy. Kung ako sayo tatantanan ko na si Ethan. Alam mo naman yun pag nagmahal akala mo wala ng babae sa paligid nya."

"Oo nga. Di ka pa ba nadala nung nagaaral pa lang tayo? Halos maging buntot ka na nya pero wala pa din effect sa kanya yung mga ginagawa mo dahil andun yung gusto nya." Singit pa nung isa nyang kaibigan

"Kaya nga lagi akong nagpupunta sa office niya eh. Habang wala yung girlalou na umaaligid aligid sa baby ko gumagawa ako ng moves. Para makuha sya at tsaka tulad ng sinabi ko iba naman yung ngayon hindi si Nicole ang karibal ko dito ibang tao kaya may chance ako ngayon no." natatawang sabi ng bruha.

"Naku. Masasaktan ka lang friend! Tigilan mo na yan"

"Ano ka ba! Madali lang yun. Db ano ba hilig ng lalaki? Pag di nila nakukuha yun dun sa gf nila maghahanap at maghahanap yun ng iba"

"Para namang hindi mo kilala si Ethan."

"Kahit na alam natin na hindi nya hilig yun pag yun na mismo ang lumapit sa knya hindi na nya matatanggihan yun"

Naiinis na ako sa naririnig ko sa babae na to. Anong akala nya kay Ethan? Sabik sa ganun?

Sarap buhusan ng kape to. Para magising sa katotohanan.

"Basta kami binalaan ka na namin ah. Ayoko na masaktan ka friend."

"Yeah i know. Pagdasal nyo na lang na sana mag karoon ng effect yung gagawin ko kay Ethan." Pabebe na sabi niya sa mga kaibigan nya.

Malala na talaga tong babae na to. Anong akala nya pag bumuka sya makukuha na nya agad si Ethan? No way! Di ko hahayaan na mang yari yun! Akin lang si Ethan! Pero bakit ganun? Tumatak sakin yung sinabi niya na iba yung ngayon hindi si Nicole ang karibal nya kundi ako. Anong ibig sabihin nun? Talaga bang sobrang mahal na mahal ni Ethan si Nicole??

Mga 30 mins pa kami na nagstay nung umalis sila Amy at buti na lang hindi nya ako nakita. Napansin naman ng nga kaibigan ko na medjo nag iba yung pakiramdam ko. Kaya sabi ko na lang napadami na ako ng inom na kape.

Mga pasado 1pm na ako nakabalik ng office at bago ako pumasok sinabi ko na kay Dex na pag dumating si Ethan papasukin na lang nya.

Pilit kong tinatapos yung dapat kong tapusin pero hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko yung sinabi ni Amy. Alam ko may mahal na si Nicole na iba at best friend ko pa yun pero bakit ganun? Natatakot ako na baka mawala si Ethan dahil kay Nicole at hindi dahil kay Amy. Bakit? Naprapraning lang ba ako?

———————————————————————

Short update po muna! Thank you.❤️😊
Take care guys! 😊

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now