Ethan POV
Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng maalala ko pa din yung mga inorder ni Kath nung kumain kami sa mcdo. Sobrang dami kasi. parang hindi mo iisipin na babae yung kakain nun.
Kaya mas natawa ako nun ng makita ko yung reaksyon nung isang service crew ng ilapag niya sa table namin yung isang tray. para kasi siyang naghahanap ng ibang pa namin na kasama sa table tapos nung narealize niya na dalawa lang kami para siyang nagulat kasi babae pa yung kasama ko. hahahaha
natauhan lang ako ng may bumatok sa akin sa ulo.
"What?" inis na sabi ko kay Ace
"Para kang tanga. ngingiti ngiti ka dyan" inis na sabi din nito sa akin
"ano naman masama?"
"Kaya ko kayo pinapunta dito sa bar para makinig sa akin tapos tutulala ka lang dyan habang ngumingiti?"
"ano ba kasi problema mo?" singit naman no Paolo
"Hindi kasi ako pinapansin ni Angel eh"
"wala ng bago dun" sabi ni paolo na may halong pang iinis
"oo nga wala ng bago dun" pagsangayon ko sa sinabi ni Paolo
"f*ck you guys!" pikon na sabi ni Ace.
Magsasalita pa sana ako kaso nag vibrate yung phone ko kaya binasa ko muna.
from Kath:
I'm home na. Thanks ulit Ethan! 😘
to Kath:
Welcome! goodnight.from Kath:
Bahay ka na din ba?to Kath:
No. nasa bar pa ako. After kasi sa mall nag punta na ako dito sa bar.from Kath:
Ganun ba? ok enjoy. Ingat ka pauwi. wag ka uminom ng marami para makapagdrive ka ng maayos.to Kath:
Noted! Thank you.Nag aantay pa ako ng reply ni Kath pero ilang minuto na pero hindi na siya nagreply.
"Whose Kath?" sabi ni Hanna
"wala"
"wala? pero titig na titig ka dyan sa phone mo" natatawang sabi ni Hanna
"Bakit ako yung pinapansin niyo? ayan si Ace oh! siya na lang tanungin niyo"
"Oo nga ako nag aya sa inyo dito tapos hindi niyo ako papansinin" paawa na sabi ni Ace
"Kasi naman Ace! don't act as if bata ka pa! ang gwapo mo kaya tapos ganda pa ng katawan mo! mag mature ka lng. hahabulin ka ni Angel!" tukso ni Cindy
"Talaga baby Cinds?" pacute na sabi ni Ace.
Tsk. may topak talaga itong kaibigan ko. Akala lang nung iba happy go lucky siya pero hindi din kasi pag dating sa trabaho ibang iba yung ugali niya. sobrang seryoso pero pag hindi na business ang pag uusapan ayan na siya. bata na ugali niya. Hahahaha
Madaling araw na ng makauwi ako ng bahay. Ginawa pa kasi akong service nung mga kaibigan ko na babae. ayaw daw nila sumabay dun sa sumundo sa kanila na si Ace kasi magtatanong na naman daw yun sa kanila ng gagawin para mapansin ni Angel.

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...