Chapter 16 - Part 1 (spg)

724 17 1
                                    

Ethan POV

Hindi ko pa din maalis sa labi ko yung ngiti ko after namin mag usap ni Kath sa phone. Yung inis ko last week nawala na lang bigla lalo na ng makita ko yung effort ni Kath na mag punta dito sa office ko para lang mag sorry.

Nung lunch break, naisipan ko na magpaalam kila Tita para makapagbakasyon kami sa Tagaytay. Ayun pumayag naman sila. Pag nasundo ko na lang si Kath tsaka ko sasabihin na pupunta kami sa Tagaytay bukas.

Bago ako umalis tinawagan ko si Kath na papunta na ako sa office nya. Buti na lang walang traffic kaya mabilis akong nakarating.

"Hi Dex! Busy ba si Kath?"

"No Sir. Sinabihan nya na ako Sir na pag dumating ka pasok ka na lang daw sa office nya"

"Okay. Thank you, Dex!"

"Welcome po."

Kumatok muna ako sa pintuan ni Kath.

"Come in" rinig ko na sabi niya. Natawa ako na hindi man lang sya lumilingon at nakatutok lang sya sa monitor nya. Kaya naman ng makalapit ako hinawakan ko yung mukha nya at hinalikan ko sya sa labi.

"Sobrang Busy naman ng Babs ko."

"Ikaw pala. Akala ko maya maya ka pa dadating"

"Wala pa masyadong traffic eh. Sorry kung maaga"

"Sira! Okay lang no."

"Antayin na lang kita dito pag busy ka pa dyan"

"No. Patapos na ako. Aalis na din tayo."

"Okay."

Nang makapagligpit na si Kath ng gamit nya lumapit sya sakin. Agad ko naman hinawakan ang kamay nya bago kami umalis. Halos 3pm plang pla.

Pag labas naman nakita pa namin si Dex sa table nya.

"Una na kami Dex! Ingat ka pauwi"

"Okay Ma'am. Ingat din po kayo"

"Bye." Masayang sabi ko.

Habang nasa byahe kami inopen ko na sa kanya yung plano ko na pagpunta sa Tagaytay.

"Babs, magbakasyon tayo. Kahit sa Tagaytay lang muna. Please"

"Sobrang stress ka na sa work Babs?"

"Medjo. Tapos tagal na natin di lumalabas eh."

"Sige. Kelan ba plano mo? Para makapagpaalam ko kila Mommy"

"Bukas ng gabi Babs."

"Bukas agad? Biglaan naman yan"

"Para matuloy. And nagpaalam na pla ako kay Tita."

"And pumayag sila no? Sige sige magreready na ako ng gamit ko pag uwi natin"

"Yehey! Babs favor naman okay lang ba na dumaan muna tayo sa bahay? Bago kita ihatid need ko lang makuha yung phone ko?"

"Sige. Maaga pa naman"

"Thank you!"

"Sure"

Nasa bahay na kami at pinapasok ko muna sya para makakain muna ng binili ko na food.

"Napakatakaw mo talaga. Gaya gaya ka." Natatawang sabi ni Kath.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now