Chapter 13 - Part 4

636 16 3
                                    

Ethan POV

Naayos ko na lahat ng kailangan ko sa meeting namin ni Amy ng 10am.

Inaantay ko na lang matapos si Kath sa ginagawa nya bago ako umalis.

"Hala sorry Ethan, wait lang matatapos ko na to tapos aalis na din ako." Natatarantang sabi niya

Hindi ko tuloy mapigilang matawa.

"Okay lang Babs. Maaga pa naman. Pero if you want sabay na lang kaya tayo bumalik ng manila? Okay lang ba sayo? O may gagawin ka sa Office mo ngayon?"

"Wala akong gagawin ngayong araw. Pero nakakahiya naman if aantayin pa kita dito sa bahay mo mamaya."

"Ganito na lang. tutal naman nakakilos ka na sumama ka na lang sa meeting namin ni Amy" nakangiting sabi ko.

"Naku baka di mo pa maclose yung deal pag ganun kasi baka maagaw ko sya sa project na gusto nyong gawin." Pagbibiro nya

"Final na yun. Isasama na lang kita tapos sabay tayo na bumalik sa manila. Itetext ko na si Tita para hindi sya mag alala sayo."

"Ikaw na bahala. Mukha naman pagpipilitan mo yang gusto mo eh. Wag masyadong halata na inlove na inlove ka sa akin." Pangaasar nya sakin sabay tawa ng malakas

"Oo na ako lang naman ata yung nagmamahal satin eh. Yung sayo kasi kaya mo lang sabihin pag tulog yung tao" pang ganti ko sa asar nya sakin.

Kokontra pa sana sya pero hinalikan ko sya agad sa labi nya.

"Joke lang babs. Wag ka na magalit" pa cute na sabi ko sa kanya.

Natawa ako sa reaction nya kasi halatang nagulat sya pero pinipigilan nya yung tawa nya.

Mga 9am ready na kami na umalis ng bahay.

"Yung sasakyan mo na lang gamitin natin babs. Ako na magdadrive."

"Pano yung sasakyan mo? Iiwan mo lang dito?"

"Oo. Para isa na lng dala natin pauwi."

"Hala di ba May meeting ka pa sa Antipolo nun?"

"Yeah. Pero bukas pa naman yun so pwede pa ako umuwi ng bahay para gamitin yung andun."

"Ah okay sige"

"Let's go" aya ko na sa kanya.

Kath POV

Kinikilig pa din ako. So for real na talaga yung pagiging mag boyfriend - girlfriend namin.

Hindi ko maiwasan na mapangiti ng maiisip ko yun habang nakatingin ako sa labas ng sasakyan.

"Hey, ako ba yang iniisip mo kaya ka napapangiti dyan?" Pang aasar na naman nya sa akin

"Medjo mataas ang confidence natin ngayon ah" asar ko din sa kanya

"Hindi ba dapat?" Agad akong napatingin sa kanya kasi halatang malungkot yung boses nya

"Uy joke lang."

"Okay"

Halos buong byahe namin hanggang makarating kami sa site na pagkikitaan nila wala ng imikan na nangyari.

Nang bumaba na sya agad na din akong bumaba para magpaalam sa knya.

"Ethan dun na lang ako sa may coffee shop mag aantay ah. Dun sa nadaanan natin kanina na malapit dito"

"Okay. Dalin mo na lang yung sasakyan mo dun, para dun ka na mag park at dun na lang ako susunod after ko dito." Walang lingon lingon na sabi niya sa akin.

"Ah sige." Sabi ko na lang sa kanya ng hindi sya lumingon para tignan ako kung paalis na ba ako or what.

Nakakainis sya. Halos wala man lang paramdam sa text if matatagalan pa ba sya o hindi na.

Halos 4 na oras na din akong nagaantay sa kanya pero ganun pa din wala pa din. Ganun ba kasama yung biro ko sa kanya?

Ethan POV

Hindi naman talaga ako galit kay Kath, kasi alam ko naman na joke lang yun kaya nangtritrip lang din ako kanina nung bumaba ako sa sasakyan.

Itetext ko na din dapat sya nung pag kaalis nya pero itong si Amy bigla bigla na lang sumusulpot sa tabi ko at nagpadiscuss na agad sya after ko maayos lahat ng materials ko para sa presentation.

Tapos hanggang ngayon hindi pa din matapos tapos yung tanong nya. Lagpas 4 hours na yung  discussions namin about sa project na gagawin namin ng team ko.

"So talagang matatapos nyo yan ng on time? And kasing ganda dun sa plano mo yan sa Antipolo?" Ito na naman tayo hindi ko na ata mabilang kung nakailang tanong na sya nito.

"Amy, nakailang tanong ka na nyan and isa lang sagot ko. Yes matatapos namin yan" seryosong sabi ko.

"Yey! Thanks baby." Pasweet na sabi nya.

"So okay na tayo? Tapos na yung discussion natin ah? Naexplain ko na lahat sayo so antayin ko na lang yung pagpunta mo sa office ko after new year para sa contract natin"

"Yes baby. Tara kain na tayo ng lunch pass 2pm na pala. Gutom na ako."

"Sorry i have to go. Medjo matagal kasi yung naging discussion natin and yung girlfriend ko nag aantay sakin"

"Akala ko naman umuwi na sya kahapon. Okay see you sa office mo after new year. Yung sa Antipolo baka yung business partner ko na lang makipagkita sayo dun."

"Okay. Thanks Amy" seryosong sabi ko.

"Welcome baby"

Nakahakbang na ako palayo sa kanya ng magtanong sya sa akin.

"Wala na ba talaga sa puso mo si Nicole kaya parang sobrang mahal mo na yung girlfriend mo?"

Napalingon ako sa kanya ng tanungin nya yun.

"Siguro naman hindi ko na obligasyon na sagutin yang tanong mo no?"

"Yeah. Curious lang naman ako baby pero okay lang kahit hindi mo sagutin" natatawang sabi niya.

"Okay bye."

Habang naglalakad ako palayo kay Amy hindi ko pa din maiwasang isipin yung tinanong nya sa akin.

Nakalimutan ko na ba talaga si Nicole? Talagang napalitan na ni Kath si Nicole sa Puso ko?

Ayoko muna isipin yun pero bakit parang may mali? Naguguluhan lang ba ako?

———————————————————————-

Sorry super late nung update tapos maikli pa. bawi ako ulit sa next na update. ☺️☺️

Thank you sa mga nagaantay at nagbabasa! 😍🤗

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now