Chapter 13 - Part 2

686 21 0
                                        

Kath POV

After magbayad ni Ethan ng bill nila sa kabilang table bumalik ako kasama sya dun sa table namin nila Kier.

"Sorry guys kung iniwan ko kayo ah" nahihiyang sabi ko.

"Ok lang yun. Kung ako din makita ko si Steve na may kausap na ganun iiwanan ko din kayo para puntahan sya." Sabi ni Eunice

"Talaga babe?" Nakangiting sabi ni Steve

"Oo tapos hihilain ko yang buhok mo" pagbibiro ni Eunice na ikinasimangot ng kaibigan ko.

Biglang tumahimik si Kier ng pagbalik namin. Hindi na sya nakikipagbiruan samin.

"Hey ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. I'm okay. Medjo sumama lang pakiramdam ko" sabi ni Kier

"May medicine ako sa bag. Ano kailangan mo? Baka meron ako dito" pag aalalang tanong ko.

"Nothing. Sige na kumain ka na Kath. Ayos lang ako" nakangiting sabi niya.

Napalingon naman ako kay Ethan ng hawakan nya yung isang kamay ko.

"Kumain ka na. Mukhang hindi pa nababawasan yung pagkain mo." Seryosong sabi no Ethan.

"Okay." Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ako.

Halos 2 oras din kaming nakapagkwentuhan. Medjo ok naman sila Ethan at Steve na nagkwekwentuhan. Pero si Kier at Ethan halos hindi nag uusap so si Steve yung nagiging gitna nila sa usapan.

Nasa parking lot na kami ng magpaalam kami sa isa't isa. May dala kasing sasakyan si Steve at Kier kaya nagkanya kanya na sila.

Naglalakad kami ni Ethan papunta sa sasakyan ko ng magsalita ako.

"Tama pala ako ng nakita kanina. Sasakyan mo yung nakita ko dito sa parking" natatawang sabi ko.

"What?"

"Akala ko kasi iniisip lang kita kaya feel ko sasakyan mo yun tapos ayun sayo pla talaga yun kasi andito ka"

"So iniisip mo pla ako kanina pa?" Pang aasar nya

"Hindi naman sa ganun, dba binabaan mo ako agad kaya iniisip ko kung nasaan ka ba. Yun naman kasi yung itatanong ko kanina kaso bigla mong binaba"

"Sorry. Nainis lang ako ng malaman ko na may lakad ka"

"Hahaha nagseselos sya dun sa mga kababata ko." Biro ko sa kanya.

"Ewan ko sayo." Inis na sabi niya.

"Bakit ka napipikon? Binibiro lang naman kita." Natatawang sabi ko.

"Oo na. Sige na sumakay ka na para makabyahe kna."

"Okay. Ingat ka dito. Bumalik ka na sa hotel mo. O baka naman makikipagkita ka pa kay baby mo?" Tukso ko ulit sa knya.

"Hindi ako naka hotel dito. And hindi ko baby si Amy. Kababata ko lang din sya."

"Uwian ka lang ba sa manila tapos dito?"

"No. May bahay ako dito kaya dun ako matutulog until matapos yung sadya ko dito"

"Wow may bahay ka pla dito kaya pala hindi ka nagmamadaling umuwi."

"Ganun na nga."

"Osya aalis na ako. Baka maabutan ako ng ulan mahirap na magdrive. Ingat ka dito." Nakangiting sabi ko.

"Bye. Text ka pag nakauwi ka na." Sabi niya sa akin habang nakatayo sa labas ng sasakyan.

"Yeah. Bye"

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now