Chapter 7

673 16 5
                                    

Kath POV

Ngayon araw ko na lang ulit makikita si Nicole after nung sa Boracay. sana maging ok na kaming dalawa.

"Hey! nervous?" asar na sabi sakin ni Ethan.

"No! ikaw? excited?" asar ko din sa kanya.

"yeah." seryosong sagot niya sakin.

Halata naman na may feelings pa to kay Nicole. pag makaramdam si Jake baka umuwi ito ng may pasa. Tsk.

"Cr lang muna ako." paalam niya sa akin habang katext ko yung bestfriend ko.

"Ok. bilisan mo na lang kasi nasa labas na daw sila."

"Ok"

Ilang minuto palang nakita ko na sila Jake. hahaha gagawin kaya niya yung sinabi ko sa kanya?. Mukhang nagawa na nga niya.

"Hi best!" nakangiting bungad ko kay Jake

"Pag ako iniwan ni Nicole. Lagot ka sakin!"naka simangot na sagot niya sa akin

"Don't worry best. Pag labas mo naman dito sa restaurant na to, kayo pa naman ni Nicole eh." nakangiting sabi ko

" Ewan ko sayo Kath!"

" Awww! talagang galit? ayaw mo na akong tawaging best eh. " nakasimangot na sabi ko

Hindi ko alam kung matatawa ako kay Jake. natutulala na naman kasi siya. baka iniisip niya na higiwalayan na siya ni Nicole. tsk. Inlove na nga ang bestfriend ko.

"best nga pla may kasama din ako ngayon. gusto ko siya ipakilala sayo ng formal. and please wag ka muna magtatanong sa akin ng kung ano ano ah" seryosong ko sa kanya ng makita ko na bumalik na siya sa katinuan niya. hahahaha

" at bakit naman bawal? dahil pa din ba yan sa parents mo?" takang tanong niya

"yeah! at dahil pa din dun. buti nga pumayag siya eh. kahit hindi maayos yung una namin pagkikita, tinulungan pa din niya ako"

" wag mong sabihin na tinuloy mo yung sinasabi ng mga kaibigan natin?"

"sisigawan mo ba ako pag sinabi ko na oo?" paawa effect ko

"oo! nasisiraan k na ba?!" inis na sabi niya sa akin

"ok eh di hindi ko sasabihin na oo sinunod ko" matigas na sabi ko

"may god Kath! nagiisip ka ba ng tama?"

"oo. alam ko na ginagawa ko best! matanda na ako."

"sino naman yang nauto mo ah? siguraduhin mo na matino yang lalaki na yan ah!"

"opo best! actually mas pipiliin mo pa ata na kami magkasama kesa kasama niya yung pinakamamahal mo na asawa." sabay turo ko sa bandang harapan namin.

Ang sakit sa mata. nakita ko si Ethan na nakahawak sa braso ni Nicole at parehas pa silang nakangiti.

Ethan POV

Nagulat ako ng makita ko si Nicole dito sa hallway galing sa CR.

"Nic nic!" tawag ko sa kanya sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit "i miss you so much nic" mabilis na sabi ko habang  natatawa na bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now