Chapter 5 - Part 1

991 18 4
                                    

Kath Pov

Masaya ang gising ko dahil nalaman ko na hindi naman talaga masamang babae si Nicole. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mainis dun sa kaibigan niya na lalaki dahil ilang beses ako tinawag na Mistress! Nakakainis.

Kakain na lang muna ako ng breakfast! Tama! Hindi ko na aabalahin si Jake para may quality time sila ni Nicole. Gagawa muna ako ng sarili kong plano.

Tumayo na ako para maligo at para makakain na ako. Simpleng bikini na color red naman ang sinuot ko at nag suot din muna ako ng manipis na T-shirt and short short. Ng bun na rin ako ng buhok para hindi mainit.

Kakain na ako ng madami para may energy ako pag gumala ako, pero pagdating ko dun halos walang vacant dahil medyo late na din ako nakababa dito.

Kukuha muna ako ng pagkain baka pag katapos ko kumuha meron ng vacant. Pero matapos na akong makakuha wala pa din akong makitang bakante. Ilalapag ko na lng sana sa gilid yung kinuha ko at aalis na lang ng may humawak sa kamay ko.

"Dream Catcher dun ka na lang sa table ko kumain. Mag isa lang naman ako"

Nagulat ako dito sa lalaki na ito pero ayoko sumabay sa kanya! Naiinis pa din ako sa kanya

"Wag na!" inis na sabi ko

"Come on!" hinawakan niya ako sa kamay at kinuha din niya yung plate ko. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? nagulat lang ako sa paghawak niya. tama! nagulat lang ako.

linapag niya ito sa pangdalawahang table at pinaghila ako ng upuan.

Umupo na lang ako dahil gutom na ako. Akmang susubo na ako ng makita ko na kukuha pa lang siya ng food niya. Hindi ko na siya aantayin dahil hindi naman kami close.

Nakakailang subo pa lang ako ng bumalik siya. Ang dami niyang dalang pagkain. May dessert pa na dalawa. Ang takaw naman niya pero bakit ang ganda pa rin ng katawan niya?

" What do you prefer? Chocolate cake or Strawberry cake?"

Napatingin  ako sakanya.

"Huh?"

"Ano gusto mo sa dalawa?" sabi niya habang tumatawa.

"Wala"

"Come on. Sige na pili ka na"

Bigla akong natakam sa Strawberry kaya ito na ang kinuha ko.

"Thank you!"

"Welcome"

Natahimik ang table namin dahil parehas na kaming kumakain. Ngunit nag salita ulit siya

"About last night, Sorry Miss?"

"Kath Sanchez" dugtong ko baka Mistress na naman sabihin niya eh

Natawa siya ng bahagya. Ang sexy naman nito tumawa.

"About last night, Sorry Miss Sanchez"

"Ayos na yun. Hindi kita masisisi magaling ako sa acting eh" pagbibiro ko na lang sa kanya para wala na munang awkward samin baka hindi ako matunawan eh.

"Sorry nasabihan kita ng mga words na below the belt"

"Wag mo na isipin yun. Ano nga pala name mo? kanina ka pa nagsosorry at kanina pa kita kausap pero hindi ko alam ang name mo" natatawang sabi ko

" Ethan Alvarez nga pala" pagpapakilala niya.

Ang Gwapo na niya at ang gwapo pa ng pangalan niya. Nasaan ang hustisya?
Natahimik ulit kami ng kumain na ulit kami.

Deal 2: Playing for KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon