Chapter 13 - Part 5

633 17 2
                                        

Ethan POV

Nakarating na ako sa coffee shop na pinagstayhan ni Kath. Kaya naman agad ko syang hinanap kung saan sya nakaupo.

Pupunta na sana ako sa kanya ng mapansin ko na may kausap sya na isang babae.

Baka sa sobrang inip nya kakaantay sakin nakipagkwentuhan na sya sa mga nakastay din dito.

Hindi muna ako lumapit sa kanila. Mukhang busy pa sila sa pakikipagkwentuhan sa isa't isa.

"Grabe ang galing mo. Buti kaya mo yun." Seryosong sabi ni Kath.

"Oo. Kinaya. Ayoko mag ka what ifs eh"

"So matagal bago kayo kinasal?"

"Hindi. Mabilis nga lang eh. Alam mo nung una natatakot ako kasi sobrang mahal nya yung girl na yun bago nya ako nakilala"

"Tapos?" Sobrang seryosong sabi ni Kath

"Sabi ka na lng sa sarili ko, okay lang kesa naman palagpasin ko yung chance na napansin na nya ako. Kaya naman ayun biglang grab ko na sa opportunity. Mahal ko eh" natatawang sabi nung kausap ni Kath

"Wow. Ang galing mo girl"

"Sabi nga nila Pursue it. If it scares you, chase it even more."

"Correct!"

Magsasalita pa sana yung kausap ni Kath ng biglang may sumigaw na bata.

"Mommy!!! Sabay takbo dun sa kausap ni Kath"

"Hi baby! May kausap si mommy na friend oh" malabing na sabi nun sa bata.

"Hi po tita ganda" nakangiting sabi nung bata sabay yakap kay Kath.

"Ang sweet naman ni Baby boy" sabay yakap din niya dun.

"Ganyan talaga yan. Basta makita nya na kausap ko or ng daddy nya sweet na din sya dun"

"Mommy si daddy nagaantay sa parking. Tapos na kami sa ginagawa namin kanina." Tuloy tuloy na sabi nung bata habang nakayakap pa din sya kay Kath

"Ay oo nga pla baby. Let's go na baby. Kath super thank you sa time ah. Hindi ko din na feel na nagaantay lang ako dito. Super thank you."

"Wala yun. Thank you din Jane. Ingat kayo sa byahe. Bye. Bye baby boy."

"Bye po Tita Ganda"

Nang makalayo na yung kausap ni Kath lumipat na ako sa table nya.

"Hi babs! Sorry sobrang tagal mong nagantay."

"Okay lang. so kamusta? Okay ba naging usapan nyo?"

"Yeah so far so good naman sya babs"

"Let's go?" Aya ko sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

"Actually hindi pa. ikaw ba?"

"O—oo sorry hindi na kita naantay"

"Okay lang babs. Ang tagal din kasi ng meeting namin"

"Tara. Hanap tayo ng pwede mong kainan."

"Magtake out na lng tayo para makabili muna tayo ng pasalubong bago tayo umuwi ng Manila"

"Sige ikaw bahala." Pag sang ayon ni Kath sa sinasabi ko.

Kath POV

Buti napilit ko si Ethan na ako na lang muna magdrive dahil hindi pa sya kumakain. Para sana maayos kain nya kahit sa sasakyan lang sya kakain.

"Parang super close mo na yung girl na kausap mo kanina sa coffee shop"

"Ah si Jane? Hahaha parehas kasi kami na nagaantay dun sa coffee shop. Kaya ayun nakapagkwentuhan kami."

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now