Chapter 6 - part 1

792 18 0
                                    

Kath POV

Buti na lang at si Ethan yung unang nag suggest na magpanggap kami na magkasintahan.

Plano ko na sana na mag suggest ng ganun kaso naunahan ako ng hiya kaya naman laking gulat ko ng siya na mismo nakaisip ng ganun.

OMG! hindi ako makapaniwala na Boyfriend ko na siya. kahit na sobrang ikli pa lang ng panahon na magkakilala kami malaking bagay na din kahit papaano na nakasama ko siya sa boracay.

nagulat ako ng tumunog yung phone ko. istorbo naman. magiisip na sana ako ng mga dapat namin gawin once na mameet na namin yung parents ko.

"I'll pick you up" basa ko dun sa text ni Ethan

"Wag na. may dala akong car. magkita na lang tayo sa coffee shop" reply ko sa kanya.

"Ok"

sus naman. kala ko pa naman pipilitin niya ako na sunduin dito sa office ko. hindi naman pala.

***

"Ano gusto mong coffee?"

"kahit ano na lang."

"ok"

awkward lagi sa feeling pag wala ng masabi si Ethan sa usapan. lagi na lng ok. Medyo iba yung pakikisama sakin ngayon ni Ethan, hindi katulad nung nasa Bora kami.

Nagulat ako ng umupo agad si Ethan na may dalang coffee.

"here" sabay abot niya sa akin ng coffee

"thanks"

"so tell me more about yourself " nakangiting sabi niya.

"Kaya ka ba nakipag kita sa akin para lang magtanong ng tungkol sa akin? Dapat nag text ka na lang" natatawa na sabi ko.

"Ok na din ito. wala akong magawa sa office eh"

"Ok. san mo ba ako gusto magstart? magtanong ka na lng. sasagutin ko na lng"

"Nakailang boyfriend ka na?"

"none"

"wala?"

"yeah. ayoko kasi ng mga pasweet"

"di ba nakikipag blind date ka?"

"oo. pero wala naman nangyayari. hanggang unang kita lang tapos tapos na."

"wow."

"wow talaga. hindi ko kasi mahindian sila mommy. ikaw nakailang girlfriend ka na?"

"wala pa din. simula ng bata ako si Nicole na yung gusto ko eh"

"Grabe. kahit hindi naging kayo mukhang mahihirapan yung babae na mamahalin mo na palitan si Nicole sa puso mo" natatawang sabi ko.

"Siguro? lately lang kasi ako naging open sa feelings ko kay Nicole eh. Iniisip niya siguro na nagbibiro lang ako"

"Ang manhid niya." natatawang sabi ko.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now