Chapter 11 - Part 6

569 18 4
                                    

Kath POV

After namin mag party sa pool, bumalik na kami sa kanya kanyang kwarto. Hanggang ngayon nahihiya ako na kausapin si Ethan kahit na madami kaming nainom na beers hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina kaya hindi ko sya matitigan sa mukha.

"Kath, ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin habang inaayos yung unan nya

"oo naman"

"ang lalim kasi ng inisip mo eh, about ba yan sa ginawa ko kanina? if dahil dun sorry kung na bastos kita"

"wala yun. parehas naman natin ginawa yun dahil sa dare nila sa atin eh."

"yeah I know, pero hindi man lang ako nagpaalam sayo bago ko ginawa yun"

"ano ka ba. nasa harap tayo ng nga friends mo. ano na lang sasabihin nila if magtanong ka muna sakin if pwede mo akong halikan? eh di nagtaka ng yung mga yun"

"hahahaha. sa bagay may point ka" natatawang sabi niya. " sige na ikaw na unang maghilamos then after mo ako naman"

"sige sige. pahinga ka muna dyan." sabi ko na lng habang kinukuha yung twalya at pamalit ko na damit.

Pagkatapos kong mag ayos para matulog sumunod na din si Ethan.

Napapaisip pa din ako paano din sya mag cecelebrate ng new year if wala syang kasama sa kanila?

"Hey! ang lalim na naman ng iniisip mo." agaw pansin nya sa akin.

"Ethan. if you want samin ka na mag new year. welcome ka naman sa bahay eh."

"really? iniisip mo ba na wala akong makakasama sa new year dahil sa sinabi ko kanina?"

"oo. kaya kung gusto mo samin na lng."

"sige ba. ayoko mag new year ng mag isa eh. ang lungkot. Bait naman ng babs ko" natatawang sabi niya ng humiga na sya sa tabi ko.

"wala yun. pag uwi natin sabihin ko kay mommy na samin ka mag new year."

"yey! thanks babs. tulog na tayo, mag uumaga na eh, babyahe pa tayo mamayang hapon."

"sige"

Ethan POV

After namin kumilos lahat, nagsabi ako sa mga kaibigan ko na mauuna na kami ni Kath umuwi. Nakakahiya kasi kila Tita if hindi kami aabot ng dinner sa knila, yun pa naman yung sabi ko knina bago kami umalis.

Halos pass 6pm na kami nakadating sa bahay nila Kath. buti na lang kahit papano maaga pa din.

"Iho dito ka na mag dinner ah. magluluto ako ng masarap na pagkain"

"lagi na lang ako nakikikain dito Tita." natatawang sabi ko.

"ano ka ba naman iho. ayos lng yun." sabi ni Tito sakin. "tara manuod muna tayo sa sala"

"Sige po."

Nang makapaghanda na si Tita ng dinner, tinawag na nya kami para makakain na ng dinner.

Nagulat na lang ako ng magsabi na si Kath na dito ako sa kanila mag new year.

"My! sa new year ayos lang naman na dito si Ethan db?"

"Oo naman. Para naman hindi lang tayong tatlo yung andito. Iho dito ka na mag new year"
Nakangiting sabi ni Tita.

"Thank you po Tita." Malapad na ngiti ko

"Tamang tama, may kakampi na ako sa new year. Lagi kasi akong pinagkakaisahan nyang mag mommy na yan eh." Sabi ni Tito sakin

"Hayaan mo po Tito, ako po kakampi nyo sa new year"

"Asahan ko yan iho. Wag mo ako iiwan sa ere pag nagalit si Kath sa pagkampi mo sakin"

"Hindi po magagalit si babs, mabait po ito eh" nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Kath

"Pati ako binobola mo pa" natatawang sabi ni Kath "kumain ka ng marami para hindi ka gutumin mamaya sa bahay mo"

"Yes ma'am!"

After namin kumain ng dinner nanuod muna kami ni Tito ng basketball kaya medjo gabi na din ng magpaalam ako na uuwi na.

"Tita, Tito uwi na po ako. Thank you po sa libreng dinner, sa uulitin po ulit." Biro ko sa kanila.

"Welcome iho. Alam mo naman na bukas yung bahay namin para sayo. Basta sa new year ah aasahan kita dito."

"Opo Tita." Nakangiting sabi ko.

"My, hatid ko lang si Babs sa labas" paalam ni Kath kila Tita.

"Sige iha"

"Nga pla Kath, ano gusto ni Tita tsaka ni Tito na dessert? Para madala ko sa new year" nakangiting sabi ko.

"Si mommy gusto nya red velvet na cupcakes, si daddy naman mahilig sya sa cookies and cream na ice cream."

"Ah sige magdadala ako ng mga yan"

"Sige sige. Sakin ba hindi mo tatanungin?"

"Hindi na. Alam ko na kung ano gusto mo eh"

"Hahahaha nagbibiro lang ako. Ok lang din naman kahit wala kang dala"

"Ayoko naman na wala akong dala, lagi na nga akong nakikikain eh"

"Gusto nga nila mommy na lagi kang andito" biro nya sa akin

"Sila lang ba? Ikaw ba?"

"Huh?"

"Joke lang. sige na aalis na ako. Bye" lumapit ako sa kanya para halikan sya sa pisngi pero nagulat ako ng bigla syang lumingon. Kaya ang ending sa lips ko sya nahalikan.

"Sorry." Agad na sabi nya nung umatras sya.

"Sorry din" napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Osya ingat ka. Magtext ka na lang pag nasa bahay kana"

"yes ,ma'am! Bye." Natatawang sabi ko.

Hindi ko lubos maisip na magiging close kami ni Kath at humantong pa talaga kami sa pagpapanggap. Alam ko baka hindi maganda kalabasan nito pero hoping pa din ako na wala kaming pag sisihan sa bandang huli.

——————————————————-
Sorry sobrang late ng update. 😅
Babawi ako ulit! 😊😊
Thanks sa mga nagbabasa! 😍😘

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now