Kath POV
Masaya din pla kasama mga kaibigan nila Ethan. Puro mga makukulit din. Tapos ang lakas pa nila tumawa. kaya lahat ng tao ata na makakasalubong namin napapatingin samin
"OMG! dahil hindi naman tayo magkasundo kung anong boutique yung pupuntahan natin dun na lng tayo sa department store maraming pagpipilian" sabi ni Cindy
"San yung uunahin natin na section?" tanong ni Ace
"Ganito na lng. maghiwa hiwalay muna tayo tapos after 1 hour dito tayo magkita ulit? game?"
"Sige. Angel sakin ka na sumama. sabay na tayo bumili" sabi ni Ace.
"hahaha style mo luma, Ace!" asar ni Paolo
"Sige. Angel sa knya ka na sumama baka magwala pa yan dito eh. kami ni Hanna, Sharmaine at Paolo na lng magkasama then si Kath at Ethan nalang din" sabi ni Cindy
"Kita kits na lng dito ah. wag kalimutan yung pang swimming na outfit para mamaya." natatawang sabi ni Hanna
After magsalita ni Hanna ang bibilis nila kumilos. naiwan tuloy kami ni Ethan na nakatayo dito.
"Tara na. yung sakin muna yung puntahan natin, mabilis lang naman ako pumili eh"
"Ah ok. tara." alangan na sabi ko.
Lahat naman ng hawakan ni Ethan bagay sa kanya eh. at ang bilis nga niyang pumili. wala pang 20 mins nakabili na siya ng mga damit na kailangan.
"tapos na yun sakin, yung sayo naman."
kailangan hindi na ako mapili ng hindi naman siya mainip.
sa pang swimming muna yung pinuntahan namin kaya kumuha na lng ako agad ng black na swimsuit tapos naglakad na ako paalis ng hawakan niya kamay ko.
"hindi mo ba susukatin yan muna? or hindi ka muna titingin ng ibang designs?" takang tanong niya
"ayos na to. nakakahiya naman kung mag antay ka eh"
"ayos lang. pumili ka ng gusto mo. Take your time."
"Sige." hindi ako makapag decide if black or red yung pipiliin ko kaya dalawa na lng kinuha ko.
Ng libot libot pa kami ng konti para sa iba pa na kailangan ko.
"Tara na. ok na ako. nakapili na din ako ng mga damit na pamalit at pang uwi ko."
"sure ka ok na yan? wala ka ng nakalimutan or what?"
"wala na po. ayos na to. tara na dun sa meeting place natin. baka mainis na yung mga yun satin pag tayo na lng kulang." pag aya ko sa kanya, baka kasi andun na mga kaibigan niya eh
Nakarating na kami sa meeting place pero wala pa sila.
"Sabi sayo eh. yung one hour kulang sa pag shopping ng mga yun." natatawang sabi ni Ethan.
"Yaan na natin. at least tayo yung nagaantay kesa sila mag antay satin."
After 20 mins na pag aantay dumating na din silang lahat.
"Excited na ako mag pool party. buti na lng itong si Paolo naaya na namin sa supermarket para bumili ng mga snacks at beers" nakangiting sabi ni Hanna

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...