Chapter 8 - Part 1

666 20 4
                                        

Kath POV

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako kay Ethan. Nakakabadtrip naman kasi yung ginawa niyang pag suway sa akin kanina, sa harap pa ng bestfriend ko pati sa taong minamahal niya. Sino kayang hindi mababadtrip dun?

Mas kinagulat ko din nung sinabi ko sa kanya na wag na niyang ulitin yun tapos hindi na siya umimik pa kaya naman ng huminto yung sasakyan niya agad akong bumaba, baka kasi kung ano pa masabi ko sa kanya eh.

Pero ngayon aaminin ko nag aantay ako ng text niya. Sana naman mag sirry siya sa akin. Isang sorry lang promise ok na ako.

Kakaantay ko ng text niya hindi ko namalayan na gabi na pala. Mukhang malabo na mag sorry naman yun. Hindi ko pa nga siya formally napapakilala kila mommy hindi na agad kami ok. Baka umayaw na siya sa usapan namin. Paano na ako?  Dapat ba na ako na lang yung mag sorry? Tama! ako na mauuna para naman hindi siya mag isip na umayaw na sa usapan namin.

To Ethan:
Ethan?!

lumipas na yung limang minuto pero wala pa din siyang reply. Ano ba naman yan parang babae naman yun. nakakainis. Sige isa pang text pag siya hindi pa nagreply bahala na siya.

To Ethan:
Ethan! galit ka ba?

Halos isang oras ulit ako nag antay pero wala pa din siyang reply dun sa text ko. Ayoko na. Bahala na siya. Nakakainis yung lalaki na yun. Sinabi ko lang naman na ayoko ng maulit yung ganun tapos siya pa yung nagagalit. Itutulog ko na lang to.

Ethan POV

Andito ako ngayon sa bar. After ko kasi na ihatid si Kath sa bahay nila pumunta ako kay Ace at itong si Ace naman nag ayang mag bar kaya ngayon andito kami kasama yung iba naming kaibigan.

"Guys! wala munang gagamit ng phone niyo ah! para makapagusap usap tayo!" seryosong sabi ni Ace.

"Why?" takang tanong ni Cindy.

"Magiisip kasi tayo ng plano paano ko maaaya si Angel na maging date ko"

"Yun lang ba? sus pwede mo naman sabihin na 'Angel be my date,please' ganun!" agad na sabi ni Hanna.

"hindi naman ganun kadali yun" sabat ni Ace. Dapat pala hindi na lang ako sumama for sure maglalasing na naman itong si Ace.

Titignan ko sana yung phone ko kasi tumunog pero bigla akong sinita ni Pao.

"Bro! wala nga daw phone muna eh. Maya mo na tignan yan."

"Ang daming niyong alam." binalik ko na lang yung phone ko kahit hindi ko pa nakikita kung sino yun.

Nung tumunog ulit yung phone ko hindi na ako nagaksaya na tignan pa yun dahil nakatingin na naman sila sa akin. Mamaya ko na lang titignan yun.

Halos ilang oras din kaming tumambay sa bar. Buti na lang hindi kami nalasing. Good choice na rin kasi na naguusap kami para hindi maparami yung inom namin. halos 5 AM na ng umaga ng umalis kami ng bar.

Nang makauwi ako sa bahay ko naalala ko na may nagtext pala sa akin. Nakita ko na nag text si Kath ng Dalawang beses pero ang mas nakaagaw ng pansin sa akin ay ang text ni Nicole.

From Nicole:
Ethan! Sobrang thank you kanina ah. Masaya ako na si Kath yung pinakilala mo. Mabait kasi siya at sabi na rin ng asawa ko maswerte ka dun kasi sobrang maasikaso daw yun. Pero Ethan, if ever na ayaw mo na ituloy yang usapan niyo na pagpapanggap habang maaga pa lang sana sabihin mo na sa kanya kasi kahit na maikili pa lang yung oras na nakasama ko siya as friend ni Jake sobrang gumaan yung loob ko sa kanya. Ayoko siya masaktan pati na rin ikaw so dapat isipin mo pa din yung feelings niya ah. Thanks ulit. see you soon ulit friend!

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now