Chapter 13 - Part 1

689 18 2
                                        

Kath POV

Papunta ako ngayon sa tagaytay. Akala ko naman kasi around Metro Manila lang yung place na pupuntahan namin yun pla dun pa nila naisipan.

Buti na lang pumayag din sila mommy na pumunta ako dun na mag isa. Kakilala naman nila mommy si Steve at si Kier. Hinahanap pa nila si Ethan akala nila kasama ko, pero sinabi ko na nasa business trip sya at New Year's Eve na balik nya.

Nagdadrive ako ng biglang tumunog yung phone ko kaya sinagot ko na lng to at nakaloud speaker na lng.

"I'm on my way. San kayo banda?" Yan agad sagot ko kahit di ko tinitignan yung phone ko kung sino yun. Si Steve lang naman tawag ng tawag knina pa eh.

"May lakad ka ngayon babs?" Takang tanong nya.

"Ay Ethan. Sorry akala ko si Steve."

"Ok. So may lakad ka pla kasama yung nakita natin sa bar."

"Yeah. Dumating kasi yung fiancée nya. Ipapakilala nya kami ni Kier."

"So kasama din pla si Kier?"

"Oo. Magkakabata kaming tatlo remember?"

"Ok. Bye. Ingat ka sa lakad mo."

"Sige.. thank you.." hindi pa tapos yung sasabihin ko binaba na nya agad. Tatanungin ko pa naman sana kung san sya pero bigla na nya agad binaba.

Siguro kung wala kaming usapan ni Ethan. Iisipin ko nag seselos sya dun sa mga kababata ko. Kaso ayun nga, Mahirap na mag assume ng todo at baka masaktan lang ako.

Nakapagpark na din ako dun sa sinabi nila na restaurant buti na lng hindi pa gaanong matao dito kaya mabilis lang ako nakapag park.

"Hey, san kayo banda? Kakababa ko lang ng sasakyan ko." Sabi ko kay steve ng sinagot nya yung tawag ko.

"Dito kami sa may dulo ng restaurant nakapwesto. Sabihin mo na lng sa receptionist yung name ko para maturo nya."

"Ok. bye." Agad akong naglakad papunta sa entrance ng matanaw ko yung kahawig ng sasakyan ni Ethan.

Napangiti ako bigla ng maalala ko si Ethan. Halatang halata na nga siguro ako. Kasi kahit hanggang ngayon si Ethan pa din laman ng isip ko. Partida pati sasakyan nya naiisip ko pa.

Mabilis akong nakarating sa pwesto nila Steve. Sinamahan kasi ako agad ng crew ng restaurant ng sabihin ko yung name ni Steve.

Wow ang ganda ng design ng restaurant na to. Magaling yung architect nila dito. Ang friendly tignan bawat sulok ng restaturant.

"Hey! Buti nakarating ka kaagad." Bungad sakin ni Kier habang inuusog nya yung tabi ng upuan nya para makaupo ako.

"Sorry medjo nalate ako"

"No worries. Kakarating lang din naman namin." Nakangiting sabi ni Steve

"Kath, nga plani want you to meet my fiancée Eunice." Nakangiting sabi ni Steve.

"Hi nice to meet you. Buti na lang itatali mo na tong kaibigan ko sayo." Pabiro ko na sabi

"Ewan ko ba bakit ko kukunin tong makulit na to." Pagsakay din ni Eunice sa biro ko na ikinasimangot naman ni Steve.

Madami pa kaming napagkwentuhang apat. Hanggang sa napagusapan na din namin yung design ng restaurant na to.

"Ang ganda ng design no? Kath gusto ko ganito din kaganda yung magiging hotel ko ah." Pagbibiro ni Kier.

"Oo naman. Gagawin natin friendly sa lahat yung magiging design ng hotel mo. Lalo na may magagaling kami Architects, Engineers at Interior designers sa company." Pagmamalaki ko.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now