Chapter 14 - Part 1

732 14 6
                                    

Kath POV

New years eve na mamaya at ayun nga tinupad ni Ethan yung promise nya kila Mommy na dito sya mag spend ng new year sa bahay.

Tuwang tuwa si Mommy kasi nadagdagan kami ng kasama. Lagi din kasi kaming tatlo lang ang magkakasama sa mga ganitong okasyon dahil pati sila manang umuuwi sa kanya kanya nilang pamilya.

After ng meeting ni Ethan kahapon umuwi muna sya sa bahay nya para kumuha ng mga damit tapos ayun tinawagan nya ako para samahan ko sya sa surprise nya kila Mommy at Daddy. Gabi na kami nakauwi nun kaya di na nya naabot pag dating namin kaya ang ginawa namin hinanda namin yung surprise nya bago sila magising.

Ayun si Mommy naiyak nung makita nya yung flowers pati set ng jewellery pati si Daddy nagulat din ng bigyan sya ni Ethan ng golf club set.

Nagulat din si Ethan nun kasi di nya expected na ganun magiging reaction nila Mommy.

"Thank you Iho sa gift mo ah"

"Wala yun Tita kulang pa nga po yan eh." Sabay kamot ni Ethan sa ulo nya

"Hindi no. Tuparin mo nga lang yung pangako mo na dito ka mag new year masaya na kami eh tapos may paganito ka pa na surprise"

"Si babs po tumulong sakin dyan Tita."

"Basta thank you sayo pati na rin sayo baby Girl ko"

"Mommy wag ka na umiyak." Natatawang sabi ko.

"Ipagluluto ko kayo ng masarap ngayon umaga"

After namin mag breakfast naisipan ni Mommy na pumunta kaming apat sa mall para bilin pa yung naiisip na idagdag sa ihahanda mamaya. Sa sobrang tuwa kasi nya marami pa syang naisip na iluto.

Isang sasakyan na lng yung dala namin at nagsabi si Ethan na sya na lang yung magdrive kaya naman ayun sa harap na lng kami pareho

Habang nasa byahe kami nadaanan namin yung mcdo bigla tuloy ako nag crave sa sundaes nila at ang nakakahiya pa dun ang lakas ng pagkakasabi ko na gusto ko ng mcdo. Hahahaha

"Tita okay lang po ba na magdrive thru muna tayo?" Napalingon ako sa kanya na nagtataka.

"Di ba gusto mo ng sundae? Nangingiti na sabi ni Ethan

Sa sobrang tuwa ko na patango ako habang nakangiti.

"Sige ayos lang iho. Nagniningning na mata ng anak ko eh" natatawang sabi ni Mommy.

Kaya mahal na mahal ko tong sila Mommy eh. Sobra sila kung umintindi to think na ang tanda ko na para sa mga ganyan na tipong pwede naman na sa mall na lng.

Pag dating namin sa parking ng mall ayun sobra pa din yung ngiti ko. Busog na ako sa sundae at fries eh. Hahaha

Pag baba naming apat nagulat na lang ako ng sabayan ako ni Ethan at hawakan kamay ko. Ito yung gusto ko eh yung HHWW. Hahahaha

"Hahawakan lang kita baka maraming tumingin sayo eh. Ngayon ko lang kasi napansin ang ikli ng shorts na suot mo." Natatawang sabi ni Ethan sakin

"Saglit lang naman kasi tayo dito eh kaya kung ano na lng nahugot ko sa closets ko ayun na yun"

"Okay lang yan babs bagay naman kasi sayo kahit ano suotin mo eh. Protective lang talaga ako sa kung ano yung akin" sabay tawa nya

Bakit ganun bumibilis pa din yung tibok ng puso ko. Iba talaga tong si Ethan.

Habang naglalakad kami di ko maiwasan na mapansin na tumitingin kay Ethan yung mga girls na nakakasalubong namin kaya naman yumuko na lng ako. Baka kasi matarayan ko sila tapos magalit si Ethan.

"Hey, bakit?" Nagtaka kasi sya na yumuko ako tapos medjo lumayo ako sa knya pero ayun hawak ko pa naman din kamay nya.

"Wala naman"

"Ano nga yun?" Tanong nya sa akin.

"Marami kasing tumitingin sayo kaya ako yumuko baka kasi mairapan ko sila tapos sabihan pa nila ako na masungit."

Ang lakas ng tawa nya after ko sabihin yun kaya naman plano ko sanang bitawan yung kamay nya kaso humigpit lalo yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Wala akong pakiaalam if matarayan mo sila babs! Mas matutuwa pa nga ako eh kasi alam kong gusto mo na ikaw lang dapat tumingin sakin pag ganun."

Nagulat ako sa kanya ng mas inilapit nya ako sa kanya.

"Dapat mas ilapit mo yang sarili mo sa akin para malaman nila na taken na ako at para malaman na rin ng mga lalaki na sobrang lagkit ng mga tingin sayo na gwapo yung boyfriend mo." Mayabang na sabi nya na may halong biro naman

"Iba din, lakas ng yabang mo" Natatawang sabi ko

"Bakit? Hindi ba totoo babs?" Malungkot na sabi niya.

"Totoo! Ano ka ba. Kahit di mo sabihin yung mga yun ganun ang tingin nila no. Promise." Sabi ko na lng sabay kapit pa sa kanya.

Ilang oras din kaming nasa mall kasi madami pang hinanap sila Daddy at Mommy na mga food at mga gamit na din.

Kaya pag uwi namin ng bahay medjo pagod na pagod kami kaya naman sinabihan kami nila na matulog muna kami at para mamaya ay may lakas kami.

Nasa kwarto kaming dalawa para magpahinga. Iba din yong si Ethan. Nung pinayagan sya ni Daddy na dito matulog sa kwarto ko ayun pati kagabi dito na din sya natulog. As in buong pag stay nya na ata dito planong matulog sa kwarto ko ayaw nya sa guest room.

Nakahiga na kami. Nagulat ako natakin nya ako papunta sa kanya at yakapin ako.

"Ethan baka biglang pumasok sila Mommy."

"Oks lang babs. Wala naman tayong ginagawang masama. Yayakapin lang kita haggang makatulog tayo" sweet na sabi niya

"Baka masanay na ako na laging katabi ka tapos ganyan pa kasweet" nagulat na lang ako sa sarili ko na nsabi ko yun. Plano ko sana na sa utak ko lang sabihin eh kaso lumabas pla sa bibig ko. Hahaha

"Okay lang na masanay ka. Wala naman akong plano na ihinto ito" after nya sabihin yun yinakap nya pa ako ng mahigpit.

"Thank you Ethan!" Humigpit din ako ng yakap sa kanya.

"No need to say thank you babs! Gusto ko tong ginagawa ko at wala akong plano na ihinto ito."

"Wag kang magpakilig ng todo. Nahihirapan na akong huminga eh" pabirong sabi ko.

"Dami mong alam babs. Matulog na tayo. Para okay tayo mamaya. First new year natin to na magkasama kaya kailangan sulit na sulit ito."

"Okay babs!"

Wala na ata akong mahihiling pa. Napakaswerte ko. Sana magtuloy tuloy na ito.

——————————————————————

Sorry na late yung update ko. Thanks sa mga nag-antay! Heart heart! ❤️❤️

Deal 2: Playing for KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon