Chapter 5 - Part 3

793 23 3
                                    

Ethan Pov

Aminin ko man o hindi, nag enjoy talaga ako na kasama si Kath. Lalo na after namin kumain inaya ko siya na mag sunset sailing.

"Thanks" sabi ko dun sa babae na kumuha samin ng picture. bagay daw kasi kami mukha din kasi nagulat si Kath sa sinabi nung babae.

"Let's go" tinignan ko siya at nakita ko na namumula yung mukha niya.

"Ahh... ano next natin na gagawin?" nakayukong sabi niya.

"Sunset Sailing"  naka ngiting sabi ko tapos hinawakan ko na yung kamay niya para maglakad na din siya.

"bye kids!" nakangiting kaway niya sa mga bata kaya naman pati yung mga bata kumaway din samin

Nakarating na rin kami dun sa  nagpaparent ng sailboat. Buti na lang meron pang natira.

"kuya magkano yung rent?"

"1,200 sir. Good for 4 person na po siya"

"Ethan gusto mo maghanap tayo ng kasama? para mas mura?"

"Wag na. hindi naman mahal yung rent eh"

"Sige. kaw bahala."

"Ito kuya yung bayad namin dun sa rent ng sailboat."

"sige boss. abot ko na lng yung sukli niyo pagkabalik niyo po dito."

"Thanks kuya" nakangiting sabi ni Kath.

"Wow! ang ganda. nakakarelax panuorin yung sunset!" nakangiting sabi niya.

"Yeah. Ganda ng view"  sabi ko na lang. tama naman siya eh. maganda ngang tignan yung paglubog ng araw tapos dumagdag pa siya. 

"Picture tayo! please?" sabay hawak niya sa kamay ko para makalapit sa kanya.

"dikit ka naman sakin. hindi naman kita itutulak eh"

Ibang klase talaga tong babae na to. dumikit na lang ako para wala na siyang masabi.

"nakakainis naman. hindi ko makuhanan ng maayos yung kasama yung view" reklamo niya.

"Akin na nga." kinuha ko sa kanya yung phone niya tapos pinalapit ko siya sakin.

"Usog ka pa kaya palapit sakin?" natatawang sabi ko.  "para makuhanan ko na kasama natin yung sunset"  sabay tingin ko sa kanya ng nakangiti.

"Ang lapit ko na nga eh. Kulang na nga lang kumandong ako eh."

"Good idea! kandong ka na lang sa akin"

"Huh?! ito naman nagbibiro lang ako!"

"Sige na. wala naman malisya tsaka magkaibigan na tayo diba?"

"Ahhh... ehhhh.."

"Sa tagal mo mag isip wala na yung sunset" kaya naman hinila ko na siya at pinaupo sa lap ko.

"Smile baby Kath?" linapit ko yung mukha ko sa mukha niya kaya naman mukha talaga kaming mag boyfriend at girlfriend sa kuha namin.

"Ganda ng kuha mo Ethan!" nakangiting sabi niya habang tinitignan yung mga kuha ko. hindi pa din niya namamalayan na nakakandong pa pala siya sa akin.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now