Chapter 12 - Part 2

604 18 0
                                    

Ethan POV

1 hour after tumawag ni Ace sakin nagtry ako tawagan si Kath.

"Hello?"

"Hey, Hi. Ask ko lang free ka ba tonight?"

"Why?"

"Si Ace kasi nag aaya na mag bar then sabi niya isama daw kita if you want. So are you free tonight?"

"Sure sige. Dun ba sa bar na madalas nyo puntahan?"

"Yes, susunduin na lang kita sa inyo para di ka na magdala ng sasakyan mo mamaya."

"Sige sige. Thanks."

"Ok. Text na lang kita maya pag papunta na ako sa inyo."

"Ok. Bye."

"Bye"

Pass 8pm na at medjo malapit na rin ako kila Kath. Nagtext din ako sa kanya na kumilos na sya ng 7pm para makapagdinner muna kaming lahat bago pumunta dun sa bar.

To Kath:
Dito na ako sa labas ng gate nyo. Antayin na lang kita dito. Take your time.

From Kath:
Sige. Wait lang magpapaalam lang ako kila mommy na aalis na ako.

Inantay ko na lang sya sa labas ng sasakyan ko.

"Hey, sorry kung medjo matagal ako lumabas" lumingon ako kung saan nanggaling yung nagsalita.

Wow. Ang simple ng suot nya pero agaw pansin. Black dress na fitted then high heels tapos yung buhok nya naka lugay lang. basta bagay talaga sa kanya. Ang problema lang sobrang ikli ng dress nya. Halos nasa kalahati lang ng hita nya.

"Uy! Let's go? Natulala ka na dyan. Maganda ba?" Natatawang sabi niya

"Yeah. Pero nasobrahan ata sa ikli?" Biro ko

"Hindi yan. Tska bar naman pupuntahan natin eh."

"Sige na. Sakay na. Para makaalis na tayo."

Nang makasakay na kami pareho sa sasakyan tinawagan ko muna sila Ace. Sabi kasi nila magdinner daw muna kami..

"Hey. Nasan kayo?" Agad na tanong ko nung sinagot na nya yung call ko

"Tsa restaurant na malapit dun sa bar. Papunta na kayo?"

"Yeah. Kami na lang ba kulang?"

"Hindi naman. Kami pa lang ni Hanna and Cindy. Si Sharmaine kasabay ni Paolo"

"Ok. Papunta na kami dyan. Tawag na ako ulit pag nasa parking na kami"

"Ok bro. Ingat."

After ko ibaba yung phone tumingin ako kay Kath

"So how's your day?" Tanong ko sa kanya bago ko pinaandar yung sasakyan.

"Ayun. Naclose ko na yung deal samin ni Mr. Garcia"

"Mr. Garcia? Yung lalaki dati na makulit?"  Tanong ko ulit sa kanya

"Yeah. Ayun nagsorry na sya then sinabi na nya sakin bakit sya nagmamadali noon"

"Ah ok. Buti ok naman sya kausap"

"Oo naman. Medjo nasanay na din ako sa ugali nun. Nagulat lang ako last time kasi ayun nasobrahan sa kakulitan tapos iba pa dating nya noon. Pero ok na din kasi nakausap ko na sya kanina"

"Mabuti naman."

"Oo nga eh. Then pumayag naman sya na after new year na lang kami pupunta ng Cebu"

"Cebu?" Takang tanong ko.

"Oo. Dun kasi yung location na ipapatayo nyang hotel."

"Ah ok." Ayoko na magtanong. Medjo naiirita ako sa nalaman ko. Ewan ko kung bakit pero hindi ko feel yung lalaki na yun. Unang kita ko pa lang dun.

Nakarating kami sa parking ng restaurant after 20 minutes. Buti hindi traffic. Tinawagan ko si Ace then sinabi na nya na nakapagpa reserved na daw sya ng pwesto under his name yun na lang daw sabihin namin para ihatid kami sa pwesto nila ngayon.

"Hey." Bungad ko ng makita silang tatlo.
"Wala pa yung dalawa?" Takang tanong ko sa knila.

"Wala pa. pero magpapark na lang daw sila"

Umupo na kaming dalawa ni Kath. Then after 5 minutes dumating din yung dalawa.

"Sorry late kami. Itong si Paolo kasi napakabagal magdrive" sisi agad ni Sharmaine ng makarating sa table namin.

"Ako na naman. Ikaw na nga lang yung nakisabay eh"

"Ayos lang. tama na yan. Umupo ba din kayo ng makapag dinner na" sabi ni Ace na parang nasa good mood

"Parang good mood ka ngayon ah?" Tukso ni Sharmaine

"May announcement eh" tukso ni Cindy

"Wag nga kayo. Libre ko ba gastos natin ngayon dito pati sa bar" nakangiting sabi pa ni Ace.

Puro tukso lang natinig ko habang kumakain tapos napalingon ako kay Kath na tahimik lang na kumakain.

"Hey. Bakit tahimik ka?" Tanong ko sa knya.

"Wala naman. Nahihiya lang ako eh. Ako lang sabit dito sa inyo"

"Ano ka ba, wala yan. Si Ace nga mismo nagsabi na isama kita"

"Kath kumain ka lang ah. Then mamaya magkwentuhan tayo sa bar" nakangiting sabi ni Hanna

"Sige." Nakangiting sabi ni Kath.

After namin magdinner nagulat kami ng magpaalam si Cindy na hindi daw sya sasama kasi kailangan daw niya umuwi ngayon.

"Mag enjoy kayo dun ah" sabi ni Cindy

"Sure ka baby Cinds? Di ka sasama?" Tanong ni Hanna

"Hindi na. Kailangan ko umuwi eh"

"Paano yan wala kang dalang sasakyan?" Alalang tanong ni Paolo

"May susundo sakin. Wait ayun na pla sasakyan nya. Sige bye na. Ingat kayo ah and enjoy. Next time sama na ako." Paalam ni Cindy bago sya pumunta dun sa sasakyan na sumundo sa kanya.

"It Looks familiar" napatingin ako kay Kath ng magsalita sya ng ganun.

"What?" Takang tanong ko.

"Yung sasakyan na sumundo kay Cindy. Parang sasakyan ng friend namin ni Jake."

"Baka kamukha lang."

"Siguro nga."

10pm na nag pumasok kami sa Bar. Then ayun nasa dating pwesto na naman kami. Kami lang pinapapwesto dito. Friend din kasi namin yung may ari ng bar na to.

Nag uusap usap lang kaming tatlong lalaki then yung tatlong babae naman ayun nagkwekwentuhan din. Napatingin ako kay Kath ng tumayo sya.

"Hey, san ka pupunta?" Tanong ko ng medjo napalapit na sya sa part ng upuan namin.

"Restroom lang" nakangiting sabi niya.

Sinundan ko lang sya ng tingin. Then nakipagkwentuhan na ulit ako kila Ace. Si Ace pala nag decide na sya na ligawan si Angel.

Medjo nagtaka ako ng wala pa din si Kath. Kaya naman umalis muna ako para pumunta sa restroom.

Papunta na sana ako ng restroom ng makita ko si Kath na may kausap na dalawang lalaki at nakikipagtawanan pa.

Naiinis ako kasi sabi nya sa restroom sya pupunta pero andito lang pala sya.

"Kath" napalingon sya habang tumatawa pa.

"Ethan."

"Sino siya? Takang tanong nung isa. Pero yung isa wala ng reaction ng pagkagulat. Nakita ko na to sa office ni Kath.

"Ethan si Kier remember? Yung sa office ko? Then ito naman si Steve"

Lumapit lang ako ng kaunti at nakipag kamay. Baka sabihin nila ang bastos ko.

"Una na ako na bumalik dun sa pwesto natin. Punta ka na lang after mo dyan." Walang gana na sinabi ko sa knya after ko makipagkamay dun sa dalawa at agad akong bumalik dun sa pwesto namin.

Nawalan na ako ng gana na makipagkwentuhan kila Ace pag balik ko. At nahalata nila na badtrip ako kaya hindi ako kinulit nung apat.

——————————————————————
Sana magustuhan nyo yung update. 😘😘😘

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now