Chapter 12 - Part 3

626 19 0
                                    

Kath POV

Nagpaalam lang ako kila Sharmaine at Hanna na pupunta lang muna ako sa restroom.

"Hey, san ka pupunta?" Tanong ni Ethan ng medjo napalapit na ako sa part ng upuan nila

"Restroom lang" nakangiting sabi ko.

After ko mag restroom, pabalik na ako sa pwesto namin ng may tumawag sakin.

"Kath!" Napalingon ako dun at nakita ko si Steve kasama si Kier.

Lumapit ako sa knila.

"Kamusta na Steve? Ang tagal kitang hindi nakita ah"

"Kakarating ko lang ngayon then itong si Kier nagaya agad mag bar" napatingin din ako kay Kier

"Wala kasi magawa ngayon eh." Sabi naman ni Kier.

"Ah kaya pla andito kayo."

"Ikaw bakit andito ka?" Takang tanong ni Kier.

"Kasama ko si Ethan pati mga friends nya"

"Ethan?" Takang tanong ni Steve.

"Oo...." may sasabihin pa sana ako kaso napatingin ako sa likod ng may tumawag sa akin.

"Kath"

"Ethan." Sabi ko ng maglakad sya palapit sa pwesto na kinatatayuan ko

"Sino siya? Takang tanong ni Steve.

"Ethan si Kier remember? Yung sa office ko? Then ito naman si Steve" nakangiting sabi ko

Lumapit sya ng kaunti at nakipag kamay.

"Una na ako na bumalik dun sa pwesto natin. Punta ka na lang after mo dyan." Walang ganang sabi sakin ni Ethan after nya makipagkamay kay Steve at Kier.

"Uy nagselos ata yung boyfriend mo samin" agad na sabi ni Kier.

"Hindi yan." Sabi naman ni Steve

"Balik na ako dun. Baka magtaka yung mga kaibigan nya bakit ang tagal ko bumalik"

"Kunin ko number mo at ng makalabas naman tayo next time at mapakilala ko na yung magiging bride ko." Sabi ni Steve

After ko mabigay yung number ko kay Steve nagpaalam na ako na babalik na sa perdto namin

"Osya alis na ako. Ingat kayo pauwi" nakangiting sabi ko sa knila.

Pabalik na ako sa pwesto namin at nakita ko na nagtatawanan yung apat maliban kay Ethan na umiinom ng beer.

"Hey. Kala ko na flash ka na sa CR." Biro ni Hanna

"Sorry. Nakita ko kasi yung dalawang kababata ko."

"Kaya pla" sabi ni Ace

"Anong kaya pla?" Takang tanong ko kay Ace

"Wala. Upo ka na. Kanina pa umiinom si Ethan eh" natatawang sabi ni Ace

Umupo ako sa couch sa tabi ni Ethan.

"Hey, mukhang marami ka ng nainom ah"

"Kaya ko pa." malamig na sabi niya

"Ah ok." Uminom na lang ako ng juice at hindi ko muna kinibo si Ethan.

Ang dami namin napagkwentuhan regarding sa mga work din nila pati plano ni Ace sinabi na nya samin kaya naman sobrang saya namin.

Napatingin ako kay Ethan na hindi nakikitawa sa pinagtatawanan namin. Ang dami na nyang nainom.

Magsasalita na sana ako pero una na syang pinuna ni Paolo.

"Bro. Ayos ka lang ba? Ang dami mo ng nainom."

"Ok lang ako." Tipid na sagot nya.

Pass 2am na ng magkaayaan na umuwi na.
So bali silang tatlo lang na lalaki yung may dalang sasakyan kaya ayun si pao ihahatid si Sharmaine then si Ace ihahatid si Hanna.

Nasa parking lot na kami at nagpaalam na yung apat. Bago pa umalis sila Ace sinabihan na nya ako na ako na lang daw magdrive dahil nagulat sila na madaming nainom si Ethan na bihira lang daw yun lalo na if alam nyang may ihahatid sya.

"Ethan akin na yung susi mo. Ako na magdrive"

"Kaya ko." Matigas na sabi niya.

"Ako na lang. ang dami mong nainom eh"

"Kaya ko nga." Inis na sabi niya. Naglakad sya papunta dun sa driver seat. "Sakay ka na." Pagkasabi niya nun ayoko sumakay para malaman nya na naiinis ako.

Binuksan ko lang yung pinto pero hindi ako sumakay.

"Please Ethan ako na magdrive ng sasakyan mo. Please"

Hindi niya ako kinibo ng ilang minuto pero nagulat ako ng binuksan nya yung pintuan ng sasakyan at umalis sya sa pwesto nya.

Agad naman ako pumunta sa side nya at tinulungan sya pumasok sa passenger side

"Saan bahay mo?" Tanong ko sa knya ng makapasok na ako at makapag seatbelt.

"Sa bahay mo na lang para ako na magdrive simula dun hanggang sa bahay." Sabi niya.

"No. Ako na uuwi mag isa. San yung bahay mo?" Matigas na sabi ko.

Sinabi din nya yung address ng bahay nya nung alam nya na hindi ako papayag na magdrive sya after nya ako ihatid.

Halos 15 mins lang yung tinagal namin sa daan at nakarating na kami sa subdivision nila.

"Ma'am san po kayo?" Tanong ng guard.

Magsasalita pa lang ako ng magsalita na si Ethan kung san kami papunta.

"Sir Ethan. Kayo po pla. Pasensya na po di ko napansin plate number ng sasakyan mo. Sige ma'am pasok na po kayo"

Naituro naman ni Ethan kung saan yung bahay niya. And wow. Ang laki ng bahay nya para sa isang tao lang.

Pinasok ko na yung sasakyan nya dun sa parking nya. Iba din pala tong si Ethan. May tatlo pang sasakyan na nakapark pa dito sa bahay niya.

Kinuha ko na yung bag ko at sinabihan ko si Ethan na bumaba na.

"Alis na ako ah. Pumasok ka na sa bahay mo." Paalam ko sa kanya at pahakbang na sana ako ng may humawak sa kamay ko.

"Pasok ka muna sa bahay. Papahinga lang ako saglit tapos ihahatid kita." Seryosong sabi ni Ethan

"Wag na. Kaya ko na unuwi"

"Sige na pumasok ka na muna"

Ayoko ng makipagtalo sa knya kaya naman sinundan ko na lang sya sa loob ng bahay nya.

Pagpasok nya sa bahay niya naupo sya sa sofa kaya umupo na din ako.

"Bakit kasi ang dami mong ininom?" Tanong ko sa kanya ng walang kumikibo samin

"Wala"

"Wala? Pwede ba yun? Halos kalahati sa inorder natin ikaw uminom eh tapos wala lang?" Takang tanong ko

"Wala nga." Medjo malakas na sabi niya na kinagulat ko.

Hindi ako nakaimik dun sa inakto nya.

"Sorry" agad na hingi nya nag tawad. Hindi ako nagsalita.

"Hey sorry." Sabi nya ulit. Hindi ako ulit nagsalita kaya lumapit sya sakin at nagulat ako ng yakapin nya ako.

"Sorry ulit. Naiinis lang ako kasi nakita kita na may kausap na lalaki tapos parang hindi mo naisip na kasama mo kami."

"Kakilala ko lang yung nga yun"

"Kahit na lalo na yung Kier na yun. Ang lagkit ng tingin sayo"

Tumingin ako sa kanya at natatawa.

"Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong ko.

"Oo" Nagulat ako sa sagot niya at ang kinagulat ko pa ay ang paghalik nya sa labi ko.

———————————————————————
Sana magustuhan nyo. Hahahaha 😘😂
Thank you sa pagbasa nito! 😉
Please vote din po. 🙏🏻🙏🏻

Deal 2: Playing for KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon