Chapter 8 - Part 2

649 20 1
                                    

Kath POV

Sobrang saya ko nung nalaman ko na hindi rin pala siya galit at puro akala lang ang lahat.

"Sige. Nga pala may sasabihin ako"

"Regarding what?" takang tanong ko. ok naman na kami db?

"Sa usapan natin. Ihinto na natin yung usapan natin na magpanggap habang hindi pa ako nakikilala ng parents mo"

"Ah ok. Punta muna ako sa kitchen para tignan yung dinner natin"  Ginagago ba ako ng lalaki na ito?

Akala ko ba ok na, pero nabago yung sayang naramdaman ko kanina dahil sa sinabi niya na itigil na namin yung pagpapanggap. wala pa nga kami sa point na napakilala ko na siya tapos ganito na agad? Parang gusto ko siya suntukin. Bakla ba siya? walang isang salita. Nakakainis naman

Pinilit ko munang hindi mangibabaw yung galit ko sa kanya. Pumunta siya dito sa bahay ko kaya hindi ko siya babastusin ng basta basta.

Nang maayos na namin ni manang yung mga food para sa dinner tinawag ko na siya para kumain. Akala ko kasabay namin si manang na kakain pero nung pinapaupo ko na siya sabi niya hindi na daw muna siya sasabay dahil uuwi daw muna siya sa kanila para mabantayan yung apo niya kaya naman pinagbalot ko muna siya nung mga pagkain bago bumalik sa dinning table kung saan nandoon na si Ethan.

"Are you mad at me?"

"Dahil sa pag atras mo?"

"Oo. Sorry."

"it's ok" pero sa totoo lang gusto ko na siyang suntukin.

"Nakatanggap kasi ako ng text kay Nic sabi niya habang maaga daw itigil ko na habang wala pa satin yung nasasaktan"

'Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?' yan yung gusto kong sabihin sa kanya, pero yung lumabas sa bibig ko "May point naman siya. go with the flow na lang ulit ako sa mga gusto nila mommy"

"Pwede ka naman umayaw sa gusto nila db? sabihin mo lang sa kanila ng maayos"

"Mahal ko sila kaya ayoko silang suwayin kahit hindi ako masaya ayoko naman na baliwalain lang sila basta basta tska gusto lang naman nila na magkaroon ako ng makakasama"

sasagot na sana si Ethan sa sinabi ko ng makarinig kami ng bagbukas ng pinto.

Nagulat ako ng sumigaw si mommy "Baby! we're back!"

"OMG! sila mommy."

Gusto ko ng paalisin si Ethan kasi hindi ko naman na siya pwedeng ipakilala as boyfriend kasi ayaw na nga niyang ituloy yung napagusapan namin.

"Relax! parents mo naman sila eh."

"Hey baby! kaya pala hindi ka sumasagot may kasama ka pla." tuksong sabi ni mommy "Hon! yung baby natin may kasama dito. dalian mo" Masayang sabi nito kay daddy

"Mommy. bakit napaaga ata yung uwi niyo?" paguusisa ko habang inaayos yung pagkakainan nila para makasabay sila sa amin ni Ethan.

"Namiss kasi namin ikaw baby!" sabi ng daddy ko at yakap sa akin ng mahigpit.

" Hi iho" nakangiting sabi ni mommy kay Ethan.

Deal 2: Playing for KeepsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora