Ethan POV
Nang mahatid ko si Nicole pumunta ako agad sa bahay nila Kath para kausapin sya. Pero pag dating ko dun wala pa sya kaya nag alala din sila Tita. Sinabi ko lahat ng nangyari para alam nila kung bakit hindi kami magkasama.
"Sorry Tita kung hindi ko natuloy yung plano ko. Sorry po talaga."
"Kausapin mo na lang ng maayos si Kath pag uwi nya."
"Sige po Tita." Sobrang hiyang hiya na ako sa knila kasi kahit sila iniintindi nila yung ginagawa ko pero alam ko naman na maling mali ako.
Halos gabi na pero wala pa din si Kath. Yung tawag ko pati tawag nila Tita hindi sinasagot ni Kath.
Nang makauwi si Kath agad tinatanong ni Tita san sya galing then nasa office lang pla sya. Sobrang sakit ng dibdib ko ng sabihin ni Tita na gusto ko syang kausapin pero nakita ko yung sakit na nararamdaman nya ng sinabi nya na nagawa ko syang iwan sa restaurant kaya di ko na napigilan na yakapin sya pero ang sakit kasi pilit nya akong tinutulak.
Nag paalam na din ako na aalis na ng sabihan ako ni Tito na hayaan ko muna si Kath.
Naiinis ako sa sarili. Ang bobo ko.
Natatakot ako. Pano pag ayawan na ako ni Kath dahil sa ginawa ko? Hindi ko kaya. Baka mabaliw ako nito.
Malapit na ako sa subdivision ng tumunog yung phone ko. Agad ko itong kinuha. Akala ko si Kath yung tumatawag si Ace pla.
"Pare! Kamusta? Nakapag usap na ba kayo ni Kath?"
"Hindi. Ayaw nya ako kausapin kanina sa bahay nila."
"Need someone to talk? Pwede ako." Kahit palabiro tong si Ace maaasahan namin sya
"Thank you! Tara dun sa bar tayo mag usap."
"Sige sige. Punta na ako dun"
"Okay ako din" kailangan ko may napagkwentuhan nito. Baka hindi ako makapag isip ng maayos eh.
Agad naman ako nakarating sa Bar. Nakita ko na din na nakaupo si Ace. Dito na ata natutulog tong lalaki na to.
"Hey!" Tawag ko sa kanya
"Umupo ka na. Nag order na ako. Simulan mo na ang kwento mo." Mabilis na sabi nya.
"Nagmamadali?" Pag bibiro ko.
"Hindi. Sisiguraduhin ko lang na masasapak kita kaya ikwento mo na yan."pagbibiro nya sakin
Natapos na yung kwento ko at nakatingin lang sya sa akin. Kaya naman nagtaka ako sa tingin nya.
"Ang gago ko no? Uy magsalita ka naman." Pagbibiro ko.
"Mahal mo pa ba si Nicole?" Seryosong tanong nya.
"Hindi na. Yung pagmamahal ko sa kanya hanggang sa pagiging malapit na kaibigan na lang."
"Nagsisi ka ba na iniwan mo si Kath kanina?"
"Yes. Mas lalo ako nagsisi nung nakita ko sya na umiyak."
"Wag ka munang mangungulit kay Kath. Bigyan mo muna sya ng sapat na panahon" Seryosong sabi nya sakin
"What? No.. ayoko."
"Sa palagay mo pag nagpumilit ka sa knya ngayon matutuwa sya? Bigyan mo sya ng sapat na araw o buwan."
"Nagbibiro ka ba?"tanong ko kay Ace
"No. Kung mahal mo si Kath bigyan mo sya ng time para makapag isip. Hindi ko sinasabi na kalimutan mo sya. Magsabi ka sa knya na bibigyan mo sya ng panahon. Sabihin mo talaga nararamdaman mo pero wag ka magpumilit na kitain sya. Kung mahal ka nya ikaw at ikaw pa din ang pipiliin nya."

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...