Chapter 11 - part 2

654 13 0
                                        

Kath POV

Nakakahiya. Nakihiram pa ako ng susuotin ko para lang makasama sa kanila. Hindi din ako mapakali kasi halos nakatingin yung ibang tao sakin or samin. Hindi ko tuloy alam kung masagwa tignan yung ayos ko. Akala ko pa naman konti pa yung tao kasi 5AM pa lang. kaso ayun ang dami pa palang tao dito aa kinakainan namin na restaurant. sabagay masarap yung bulalo dito eh.

"Hey." agad akong napalingon kay Ethan.

"Bakit?" takang tanong ko

"Ayos ka lang ba? kanina ka pa nakayuko eh."

"Nahihiya lang ako kasi ang daming nakatingin dito sa pwesto natin. kala ko pa naman wala masyadong tao ngayon."

"Sayo lahat nakatingin yan bessy. sa ganda mo ba naman at sexy dyan sa suot mo." sabi ni Sharmaine

"Oo nga. bagay sayo yang short pati yang long sleeves."
nakangiting sabi ni Cindy

"Tsk.Bakit kasi dito pa tayo eh. agaw pansin tuloy." inis na sabi ni Ethan.

"Sorry." sabi ko at agad na yumuko.

"Ayos lang yan. tatlo naman kami na lalaki na andito. Try lang nila mambastos ng may kalagyan sila. Dba Angel ko?" sabi ni Ace.

"Laki ng tama mo sir Ace"

"Don't call me sir." inis na sabi ni Ace kay Angel

Natatawa ako dito sa dalawang to. kahit hindi ko pa sila ganun nakakasama magaan na loob ko. sobrang bait kasi nila eh.

Nawala yung focus ko sa kanila ng biglang tumayo si Ethan at pumunta sa Parking Lot ng restaurant na to.

"San pupunta yun?" takang tanong ni Hanna.

"Lumalabas na yung pagka possessive ni Ethan." natatawang sabi ni Paolo. "Tignan niyo pag balik may dala na yun na pang takip." dugtong pa nito.

Ok hindi ko sila maintindihan. pero nagulat ako ng sabay sabay silang tumawa except samin ni Angel na hindi makarelate.

"Ok ayan na. hahahaha" sabi ni Sharmaine

"Naku. umiral na naman ang pagka manong!" natatawang sabi ni Cindy

"Ayaan niyo na. baka maagawan eh" biro pa ni Ace

Lumingon ako sa part kung san sila nakatingin. ayun si Ethan naglalakad dala yung tuxedo niya na ginamit kanina.

Nag makarating na siya sa pwesto namin. Agad niyang inabot sakin yung dala niya.

"Cover your legs" walang ganang sabi niya.

Kinuha ko na lng yun at pinatong sa legs ko. baka magalit pa si kuya eh.

Akala ko hindi na niya ako papansinin kasi nagulat ako sa next na ginawa niya. Niyakap niya kasi yung braso niya sa bewang ko kaya napalapit ako sa kanya.

"napaka possessive masyado." biro ni hanna.

"Ang dami kasing nakatingin eh. nakakairita."

tawanan sila lahat sa pagkairita ni Ethan.

"Yaan mo na sila. hanggang tingin lang naman yang mga yan dito. " sabi ni Paolo

"nakakairita pa din." sabat pa ni Ethan.

wala ng kumibo after ng sinabi ni Ethan kasi dumating na yung additional orders namin.

"Ok ka lang ba?" tanong ko kay Ethan ng hindi pa siya kumakain ulit at nakapulupot pa din yung kamay niya sa bewang ko.

"Yeah. kumain ka na." tipid na sabi niya.

"Kumain ka na din habang mainit pa yung sabaw." linagyan ko na din siya ng kanin at ulam sa plato niya.

Deal 2: Playing for KeepsWhere stories live. Discover now