Kath POV
"Siya nga pala Iha, ikaw na lang yung pumunta sa party ng mga Romero ah. Busy kasi kami ng daddy mo." sabi ni mommy sakin habang kumakain. kaming apat ng dinner dito sa bahay
Wala ng bago sa ganitong pakulo nila.
"Yes my." sagot ko sa kanya
"Pwede ka din magdala ng partner mo dun."
baka mapilitan na naman tong si Ethan.
"Tita ako na lang sasama kay Kath dun. Close friend ko din po kasi yung may ari ng party na gagawin"
"Buti na lang Iho. Baka kasi walang kasama baby namin dun."
"Hindi ko po hahayaan yun sa babs ko." pagkasabi ni Ethan nun. Agad niya akong hinawakan sa bewang tapos linapit niya ako sa kanya.
Kita sa mata ko ang pagkagulat at kita naman kila Mommy yung pag kakilig.
"Thanks Iho. kain ka pa."
"Wala po yun Tita. Thank you po" agad din siyang tumingin sakin "Kain ka na ulit Babs"
Nang matapos na kaming kumain. Nagpaalam kami ni Ethan na pupunta lang muna kami sa Garden.
"Hindi mo kailangang gawin yun mga gusto ng parents ko Ethan" seryosong sabi ko sa kanya
" Don't worry. Talaga namang pupunta ako dun. Isa sa mga friends namin si Ace. Kaya andun mga kaibigan ko. I think andun din sila Jake and yung iba niyo pang friends "
"Ok"
"So susunduin kita bukas ng gabi para sa party?"
"Dun na lang tayo mag kita sa Party"
"Ok." Akala ko magsasabi pa siya na susunduin na lang niya ako kaso hindi pala. Hopia ka na naman Kath.
"Sige uwi na ako. may Business trip ako ng umaga. kaya baka medjo late din ako sa party nun."
"Ayos lng. Tara hatid na kita sa labas ng gate."
Nang nakasakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar na niya yun pabalik. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Bakit parang nababawasan na yung pag ka sweet niya pag sa harap ng parents ko? Hindi ko talaga mabasa yung nasa isip ni Ethan.
Ethan POV
Nang makaalis ako sa bahay nila Kath nakahinga ako ng maluwag. Halata kasi kay Kath na ayaw niya na sweet ako sa kanya sa harap ng parents niya kaya naman after ng ginawa kong pagyakap sa kanya habang kumakain kami. Hindi na ako gumawa ng iba pang sweet gestures para hindi na siya mailang.
Regarding naman dun sa party. Gusto ko din naman siyang sunduin sa bahay nila dahil alam ko mahirap mag drive pag naka gown ka. kaso mukhang ayaw naman niyang magpasundo kaya sabi ko na lang dun na lang kami magkita sa venue ng party.
Wala naman talaga akong business trip bukas. yung party na yun lang talaga yung nakaschedule sakin.
Kaya bahala na. dun na lang kami magkita sa party. Tsaka wala naman parents niya dun. So hindi na niya mapapakita sakin na sobra ang ilang niya sa mga ginagawa ko.

YOU ARE READING
Deal 2: Playing for Keeps
RomanceMaraming bagay ang hindi mo iisiping tatagal sayo Pero marami rin ang magiging dahilan para ito ay tumagal. Sabi nga nila.. Nothing is for keeps... BUT with YOU, it's different.. Kasi yung impossible nagiging possible basta kasama kita. - Ethan Alv...