Chapter 17

638 14 0
                                    

Ethan POV

After na may mangyari samin nung unang araw namin ng bakasyon sa Tagaytay sinigurado  ko na yun na ang huling may mangyayari samin hangga't hindi kami nagpapakasal.

Gusto ko kung aangkinin ko man sya ulit yun na yung parehas na kami ng Surname. Kaya naman tinibayan ko ang loob ko na walang mangyari ulit samin habang nasa Tagaytay kami.

Halata na nagtataka sya sa inasal ko dun dahil halos iwasan ko sya pag nasa bahay na kami. Lagi na lang kaming lumalabas at nagiikot ikot sa mga pasyalan dun. At nag aya din ako umuwi ng maaga para makapagpahinga kami para pag balik namin sa kanya kanya naming trabaho okay na.

Aaminin ko mahirap magpigil lalo na pagkasama mo yung taong mahal mo pero kakayanin ko yun hangga't hindi  ko pa nakukuha ang matamis nyang i do.

Naging busy kami halos ng isang linggo pag balik namin sa Manila kaya naman nag decide kami ni Kath na manood ng Movie sa bahay ko.

Nagulat na lang ako ng may nagdoorbell sa gate yun pla si Kath na yun. Papapasukin ko na sana sya pero sabi niya ayain daw muna namin si Nicole pati si Jake na kumain sa labas kaya naman kinuha ko lang yung susi ng sasakyan ko.

"Sasakyan ko na lang gamitin natin. Ipark na lang natin sasakyan mo sa loob." Sabi ko sa kanya.

"Sige." Akmang sasakay na sya ng sinabi ko na ako na lang ang magpapark sa loob at sumakay na sya sa sasakyan ko.

Pagkapark ko ng sasakyan nya agad naman ako pumasok sa sasakyan ko. Tatanungin ko sana sya kung kamusta yung mga nakaraang araw nya pero nagulat ako ng halikan nya ako.

"I miss you so much Babs!"

Sh*t Ethan! Wag kang bibigay sabi ko sa sarili ko.

"I miss you too. Tara na puntahan na natin sila Nic Nic" para di ako bumigay at mahalikan pa kita ng matagal. Yan sana gusto kong idugtong pero ayoko sabihin sa knya hangga't hindi ko pa naaayos ang plano ko.

Nasa loob na kami ng subdivision nila Nicole ng biglang mag ring yung phone ko. Agad naman itong nakuha ni Kath at nagtaka sya ng makita nya na si Nicole yung tumatawag..

wala pang ilang ring sinagot na ni Kath at ni load speakers nya ito..

"Nic nic? bakit?" Sagot ko agad sa kanya

"Help me please! andito ako sa bahay. help me." Nagulat ako pati si Kath sa boses nya kaya naman binilisan ko pa yung pagpapatakbo ng sasakyan

Wala pang 2 mins. Nakarating kami ni Kath sa bahay nila Jake kaya agad akong bumaba sa sasakyan at tumakbo, pati si Kath sumunod papasok ng bahay.

"OMG! ano nanyari sayo Nicole?" gulat na tanong ni Kath at agad na binuksan yung pinto ng makita na binuhat ko na si Nicole

Nang maisakay ko na si Nicole sa kotse narinig ko na may kinakausap si Kath sa cellphone.

"Asan ka ba? papunta kami ngayon sa ospital. dadalhin namin si Nicole dun. sumunod ka! ngayon na." sunod sunod na sabi ni Kath. halata sa boses niya na inis na siya sa kausap niya...

Nakita ko si Kath na pinipindot pa din ang Cellphone nya.

"Asan na yung magaling mo na bestfriend? akala ko ba susunod na siya?" Inis at malakas na pagkakasabi ko kay Kath na halatang kinagulat nya

"Ewan ko ba dun. hindi daw siya makaalis ng maaga dahil sa dami ng problema sa site." Malungkot na sagot nya sa akin

"F*ck! ang yaman na ng gag*ng yun tapos yun pa talaga inuuna niya? asawa't anak niya yung muntikan ng mapahamak!" Inis na sabi ko. Nagulat ulit sya dahil nagmumura na ako sa harap nya at halatang natataranta

Deal 2: Playing for KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon