Chapter 1

70.1K 1.2K 29
                                    

Esmeralda's POV

Tahimik kong sinusuklay ang aking mahaba at alon-alon na buhok sa harapan nang antigong salamin. Nakasanayan ko ng magsuklay bago ako magpahinga at matulog. I just love fixing my hair before tucking myself to bed. It makes me feel relaxed.

"Napakaganda n'yo talaga, Señorita Esmeralda. Kaya po halos lahat ng mga guwapo at mayayamang lalaki rito sa atin ay gusto kayong pakasalan."

I blushed and smiled sheepishly to my Yaya Lydia. She's busy folding my clothes and placing it inside my huge closet. Hindi na bago sa akin ang ganoong papuri mula sa ibang tao pero kahit ilang beses ko na  iyong naririnig sa kanila, I still feel uncomfortable. Ewan ko ba pero naiilang ako.

Alam kong maganda ako, namana ko ang aking pagiging mestiza sa aking Papa na si Don Emmanuel Suarez na may dugong kastila. Matangos ang aking ilong, kulay tsokolate ang aking mga mata at kulay rosas ang aking makinis na balat.

Ganunpaman, hindi ko kailanman ipinaglandakan ang mga katangian ko. Pinalaki ako ng aking nga magulang na magpakumbaba.
Nakapagtapos rin ako ng pag-aaral sa ibang bansa at isa na sa mga humahalili sa aking ama upang itaguyod ang aming hacienda at mga negosyo.

Needless to say, I am also an achiever. I was always on the top of my class when I was younger.
May kapatid ako, ang aking Kuya Erwin, na kasalukuyang nasa ibang bansa upang magpakadalubhasa rin sa pagpapatakbo ng aming negosyo.

Hindi ordinaryo ang pamilyang kinabibilangan ko. Isa kami sa pinakamayaman at tinitingalang pamilya sa Davao. Nagmamay-ari kami ng hekta-hektaryang mga lupain at taniman na siyang isa sa mga pinakamalaking producers ng mga exported fruits sa ibang bansa. Sa kabila ng tinatamasa kong karangyaan at karangalan, nanatiling nakababa sa lupa ang aking mga paa.

Nagpatuloy ako sa pagsusuklay ng buhok. I've been staring at my reflection in the mirror the whole time like it would give me an answer to what is boggling my mind right now. Mabigat ang loob ko kanina pa. Hindi ko iyon ipinapahalata para hindi mag-alala ang aking mga magulang at mga taong nakapaligid sa akin.

Kaninang umaga kasi ay dumalo kami sa isang party sa kabilang hacienda, ang Hacienda ng pamilyang Peralta. Matagal na kaibigan ng aking Papa ang pamilyang nagmamay-ari ng hacienda na si Don Gregorio.
Ang ikinabibigat ng loob ko ay ang pag-anunsyo ng aking Papa ng arrange marriage namin ng unico hijo ni Don Gregorio na si Brent.

Gulat na gulat ako sa nalaman. Hindi ko alam na mayroon na palang ganoong kasunduan na namamagitan sa kanila. Hindi ko nga kilala ang Brent na iyon.
Galing umano si Brent sa Italy at doon nag-aral. Basta na lang kaming ipinagkasundo na ipakasal kahit hindi pa namin nakikilala ang isa't isa.

I was formally introduced to Brent Peralta earlier but honestly, I couldn't feel any special attraction towards him.
Hinahanap ko ang spark habang nag-uusap kami kanina ngunit bigo akong matagpuan iyon. With all due respect to the guy, he was so kind and smart but I got bored talking to him. I was looking for a special connection but I failed.

Hindi sa mataas ang standards ko, naghahanap lang talaga ako nang kakaibang damdaming lulukob sa puso ko habang kaharap ang isang lalaki. A certain kind of feeling that could trigger butterflies in my stomach. A feeling that could make my heart flutter. Kagaya ng damdaming naramdaman ko sa tanging lalaking nagpatibok ng puso ko...

Si Dr. Arthur Alarcon.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang aking cellphone sa harapan ng salamin. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag.
Natigilan ako nang makita ang pangalan ni Karla, ang kaibigan kong nurse sa Manila.
At hindi lang siya basta-bastang kaibigan—espiya ko rin si Karla sa buhay ni Dr. Arthur.
I cleared my throat first before answering her call.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon