CHAPTER 3

43.1K 1K 19
                                    

Esmeralda's POV

"Ito ang magiging kuwarto mo. Tayong dalawa lang ang umuukopa sa kuwartong ito. Tayo lang ang mga kasambahay sa bahay na ito dahil ayaw ni Sir nang maraming tao. Ayaw ko nang makalat, burara at maingay sa kuwarto. Kung may kausap ka sa telepono, lumabas ka ng kuwarto. Panatilihing malinis ang kuwarto at banyo. Maglaba ka ng damit from time to time, ayoko nang nangangamoy na labahin.  Nagkakaintindihan ba tayo?"

Panay lang ang tango ko sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Manang Dalya. Ang bilis-bilis bumuka at sara ng bibig ng matanda, halos wala akong maintindihan sa pinagsasasabi niya.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong ulit niya. Kung si Doctor Arthur ay leon, tigre si Manang Dalya.

Tumango ulit ako pagkatapos ay sumunod sa kanya. Ayos lang sa akin ang kuwarto, malaki iyon at malinis. Magkakaintindihan kami ni Manang sa rules and regulations dahil pareho kaming ayaw nang marumi at disorganisadong silid. Inilapag ko ang malaking backpack sa maliit na mesang nakita ko. Itinuro ni Manang ang isang bakanteng kama na kaharap ng kama niya.

"Diyan ka matutulog. Gusto ko, kapag gumising ako, gigising ka rin. Ayaw ni Sir Arthur ng tamad na kasambahay lalo pa't maagang gumigising si Ella."

"Uhm, si Ella lang po ba ang aalagaan ko?" kunway tanong mo. Alam ko naman talagang si Ella lang ang aalagaan ko. Ayoko lang makahalata si Manang Dalya.


"Oo, 'yong sina Sookie at Joey, mga tinedyer na ang mga 'yon, hindi na kailangan pang alagaan. Kung hindi ka busy, tutulungan mo ako sa gawaing bahay. Hindi tayo ang maglalaba ng mga damit nila dahil may laundry maids na binabayaran si Sir linggo-linggo."

Thank God!

Napatango ako. Magaan lang pala ang trabaho ko dahil si Ella lang at ibang mga gawaing bahay ang aatupagin ko.

Iyon ang inaakala ko...

Alas sinco y media ng umaga ako nagising kinabukasan. Inunahan ko pa si Manang Dalya na noo'y humihilik pa sa kama niya. Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay nagtungo sa silid ni Ella. Tulog pa rin ang bata kaya minabuti kong bumaba na lang sa kusina at maghanda ng agahan.

Nang buksan ko ang ilaw sa kusina ay muntik pa akong mapasigaw nang makita si Dr. Arthur na nakasandal sa may counter. Sa ibabaw ng counter ay may bote ng mamahaling vodka. Halos mapailing ako dahil umaga pa lang ay umiinom na siya. Pinukulan niya naman ako nang seryosong tingin.

Agad akong nagyuko ng ulo at binati ang manggagamot.
"Good morning, Sir!"

Hindi siya sumagot at patuloy na ininom ang alak sa wine glass na hawak. Mukha siyang pagod at ang suot pa rin niya kahapon ang suot niya sa mga oras na iyon.

Kawawa naman siya. Siguro'y galing pa siya ng ospital at ngayon lang nakauwi.

Dumeretso ako sa refregirator at inilabas ang mga karneng lulutuin pang-agahan. Ramdam ko ang nakakatensyong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nag-alinlangan pa akong hugasan ang mga iyon sa sink dahil nakaharang siya.


"Uhm...excuse me po, S-ser," pasintabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot ngunit mabilis namang  umalis sa pagkakasandal sa counter. Nagtungo siya sa likuran ko at doon pumuwesto.
Nakaramdam ako ng paninindig ng mga balahibo sa batok. Feeling ko ay nakatitig siya nang mariin sa akin. Hindi tuloy ako makakilos nang maayos.
Pasimple ko siyang nilingon. Nakatitig siya sa kawalan na tila may malalim na iniisip. Nakahinga ako nang maluwag, akala ko ay sa akin siya nakatingin.

Assuming!

Nagpasiya akong basagin ang katahimikan.
Inalis ko muna ang bara sa aking lalamunan bago nagsalita.

"Sir, gutom po ba kayo? Gusto ninyong kumain?"

Tila doon lang siya nagising sa pagkakatulala at tumingin sa akin. Kumunot pa ang noo niya na para bang inaalala kung sino ako.
Umiling siya kapagkuwan.


"No," matipid niyang sagot.

"Uh...coffee, juice or tea?"

"No."

"Gusto ninyo nang mainit na pandesal? Igagawa ko po kayo. Marunong po ako."


Kunot noong humakbang siya papalapit sa akin, nahigit ko ang hininga. Nakatitig siya sa mga mata ko habang lumalapit. Pumitlag tuloy nang malakas ang puso ko. Sinalubong ko naman ang mariin niyang mga titig.

Patuloy siyang lumalapit sa akin hanggang sa isang dangkal na lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Nanunuot sa ilong ko ang kanyang mabangong amoy. Parang gusto kong ihilig ang ulo sa kanyang malalapad na dibdib. Nagulat ako nang bigla niyang ilapag nang malakas ang wineglass sa counter ng sink.


"Oh, my G—maryusep naman!"

Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. Lalo akong hindi nakahinga sa kilabot.
"I hate talkative people. Put that in mind before talking to me, do you understand?" sarkastikong sabi niya.

Natameme ako. Nanliit ako habang pinagmamasdan ang nanunuya niyang mga tingin. Nagyuko ako ng ulo saka tumango. Lumayo na siya sa akin at tuloy-tuloy na lumabas ng kusina. Pabagsak pa niyang isinara ang pinto. Napahugot na lang ako nang malalim na hininga.

Masyadong direkta at magaspang ang mahal ko. Ganoon naman talaga ang personalidad niya noon pa. O dahil ako ang kaharap niya kaya niya nasasabi ang mga ganoong bagay? Napabuntong hininga uli ako. Ayokong panghinaan ng loob dahil hindi ako ang klase ng tao na basta na lang sumusuko.

"Hayaan mo ang kasungitan n'on, Esmeralda. Pagod lang 'yon at stress. Pasasaan ba at mapapaamo mo rin 'yon," pagpapalakas ko ng loob sa sarili.

Ibinalik ko na ang atensyon sa ginagawa saka nagsimulang magluto. Sasarapan ko na lang ang luto ko para gumanda ang tingin niya sa akin. Ika nga, the way to a man's heart is through his stomach. Bubusogin ko siya nang bubusogin hanggang sa maadik siya sa mga luto ko't mabawasan man lang ang kasungitan niya.

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now