Esmeralda's POV
So ayon na nga, pumayag ako sa date na inihain ni Dr. Arthur sa akin. Sino ba namang hindi, diba? Ang tagal kong inasam na maka-date ang lalaking itinitibok ng puso ko, bakit pa ako magpapakipot? Kahit pa "escort" lang ang labas ko sa date na 'yon.
Ikinlaro niya kasi na walang ibig sabihin ang date na 'yon, magpapanggap lang daw akong bagong "woman" niya tutal ay wala naman daw nakakakilala sa akin sa celebration na pupuntahan namin.
Nagtaka ako noong una kung bakit sa lahat ng taong maisipan niyang puwedeng i-date sa company's celebration nila ay ako pa talaga ang napili niya. Ang sabi niya'y wala na daw siyang choice at malapit na ang selebrasyon. Wala na daw siyang ibang maisip kundi ako. Kung nagkaroon daw siya nang mahaba-habang oras ay malamang hindi ako ang pipiliin niya.
Una pa lang ay brutal na sinabi na niya sa akin iyon. Pinabagsak agad ang pag-asa ko. Hindi man lang pinatagal ang aking kilig kahit pakitang tao man lang sana. Pero kahit ano pa ang dahilan niya, excited pa rin ako! Ang magpanggap na kasintahan ng pinakamagaling na neurosurgeon ng bansa ay isa ng karangalan!
Naglagay ulit ako ng lipstick sa mga labi. Hindi ako mapakali sa harapan ng salamin. Isang oras na akong nagme-make up sa sarili ko pero feeling ko ay hindi pa rin ako maganda sa pagkakaayos ko sa sarili. Parang hindi pa sapat ang ganda ko kung itatabi kay Dr. Arthur. Tinanggal ko na nga ang pekeng brackets ko ayon na rin sa utos niya.
Ang bilin niya sa akin kanina ay huwag na daw akong masyadong magprepara ng sarili, basta raw presentable lang akong tingnan ay sapat na sa kanya. Pero para sa akin, hindi puwedeng presentable lang ako lalo pa at siya ang kasama ko.
Magmumukhang pulubi ang "presentableng" mukha ko sa mala-diyos niyang kaguwapuhan. Mabuti na lang at nahiram namin si Karla para pansamantalang magbantay sa mga bata. Maasahan talaga ang kaibigan niya.
Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone sa harapan ko. Si Dr. Arthur ang tumatawag. Kinabahan tuloy ako bigla. Agad kong sinagot ang tawag dahil ayaw pa naman niya nang pinaghihintay.
"H-hello, Ser?"
"Are you not done yet?" tila naiinip na tanong niya sa kabilang linya.
Mainipin talaga!
Agad naman akong tumayo at sinipat uli ang sarili.
"T-tapos na po. P-pababa na po ako!""Hurry up! I'm waiting here in the car! I need you here in five minutes!"
"O-opo! P-pababa na po!"
Tinapos ko na ang tawag at nagmadaling bumaba. Medyo nahihirapan akong kumilos nang mabilis dahil naka high heeled stilleto ako at mahabang dress. Hiniram ko pa iyon kay Karla dahil wala na akong oras mamili lalo pa at ako na lang ang mag-isang kasambahay. Nang makarating ako sa may garahe ay nakita kong umaandar na ang makina ng sasakyan.
Hindi man lang bumaba si Dr. Arthur para pagbuksan ako ng pinto! Binuksan ko na lang ang pinto ng backseat at pumasok doon. May kausap siya sa phone at hindi ako nililingon. Napahanga ako sa gara ng suot niya. Lalong lumutang ang kakisigan at kaguwapuhan ng manggagamot. Nang matapos sa pakikipag-usap sa cellphone ay agad niya akong nilingon.
Napasinghap ako nang suyurin niya ako ng tingin na tila nagulat sa nakikitang hitsura ko. Kinabahan tuloy ako. Sumobra ba ang pagkalagay ko ng lipstick? Nagmukha kaya akong clown? Nang tumigil ang mga tingin niya sa mga mata ko ay sunod-sunod ang aking paglunok. Ang lagkit ng mga tingin niya! Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o matatakot.
"S-ser?" tanong ko sa kanya nang tumagal ang mga titig niya sa akin na walang namumutawing kahit isang salita.
Tila doon lang siya natauhan.
"Great..." tila wala sa loob na wika niya.
BINABASA MO ANG
Head over Heels(Completed)
RomanceLOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang lugar. Hindi lang kayamanan ang kanyang maipagmamalaki dahil taglay niya rin ang kagandahan na hindi mat...