Chapter 25

45.6K 998 52
                                    

Esmeralda's POV

"I saw the two of you kissed!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabing iyon ni Dr. Archimedes. Nanunudyong nakangiti siya habang nakatayo sa may pintuan. Nasa mansion na kami matapos ang Family Day. Nagpaalam na siya  sa kapatid at mga pamangkin kanina na uuwi kaya nagpasiya akong ihatid siya sa may pintuan. Laking gulat ko nang bigla siyang nanudyo nang ganoon.

Sinubukan kong magkunwari.
"A-anong ibig m-mong sabihin?"

"Sus! Kunwari ka pa! Huwag kang mag-alala, the kids were not there when I saw both of you kissing each other!"

Palagay ko'y mas pula pa sa kamatis ang  mukha ko dahil sa narinig. Naiinis na hinampas ko ang manggagamot. Agad naman niyang hinuli ang kamay ko habang tumatawa.

"Sinasabi ko na nga ba! Ikaw ang may kagagawan ng Love Chain na iyon!"

"I told you, I like you for Kuya," nakangising sabi niya.

"Puwes isa iyong kahibangan dahil hindi niya ako gusto!"

Lumapit siya sa akin saka idinantay ang kamay sa balikat ko. "Ligawan mo nang mabuti si Kuya para mahuli mo ang kiliti..." nagulat ako nang idikit niya ang bibig malapit sa may tenga ko at bumulong, "I know some tricks to make him fall for you hard..."

"Archimedes! Umuwi ka na!"

Mabilis kaming lumayo sa isa't isa nang marinig ang malakas na pag sigaw ni Dr. Arthur mula sa itaas nang hagdanan. Napalunok ako nang makita ang madilim niyang anyo.

"Sabi ko nga, aalis na ako. See you around, Kuya! I love you!" nakangiting biro ni Dr. Archimedes saka lumabas na ng pintuan.

Mabilis ko namang sinara ang pinto at saka iyon inilock. Pagpihit ko ay nanatiling nakatayo si Dr. Arthur sa itaas habang madilim ang mga tingin sa akin. Kinakabahan ako habang pilit na inihahakbang ang mga paa ko para umakyat.

Ano pa bang ginagawa niya d'yan? Umalis na ang kapatid niya, sana bumalik na siya sa sariling kuwarto.

Nang makaakyat nang tuluyan sa itaas ay nasalubong ko ang nanlilisik niyang mga mata. Nagyuko ako ng ulo. Nakakatakot ang bagsik ng anyo ng manggagamot. Nakasuot na siya ng roba at mukhang handa nang matulog, bakit hindi pa siya bumabalik sa kuwarto? Akmang lalagpasan ko siya nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko.

"Dahil hindi mo ako nabingwit, kapatid ko naman ang pinupuntirya mo?" galit na asik niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sumikip ang dibdib ko nang unti-unting tumitino sa isipan ko ang  gusto niyang ipahiwatig. Pinaparatangan niya akong nilalandi si Dr. Archimedes! Ganoon ba ang iniisip niya sa akin? Sinubukan kong bawiin ang braso ko ngunit mahigpit niya pa rin akong hinahawakan.

"Nasasaktan ako, Dr. Arthur..." daing ko sa kanya.

Ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"You seem to easily moved on from my rejection. And now you are obviously flirting with my brother. Is that how desperate you are to catch a rich man?" patuloy niyang bintang.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Mas ninais ko na lang na huwag sumagot. Sa tuwing sumasagot ako ay hindi siya nagpapatalo. At mas masasakit na mga salita ang lumalabas sa bibig niya sa tuwing nadadagdagan ang kanyang galit.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon