CHAPTER 6

42.2K 1.1K 34
                                    

Esmeralda's POV

ISANG napakagandang doktora ang sumalubong sa amin nina Dr. Arthur at Ella nang makapasok kami sa isang OPD Clinic. Magiliw ang doktora sa amin, lalo na kay Dr. Arthur. Kakaiba ang kanyang ngiti at malalagkit ang mga tingin kay Dr. Arthur. I can sense something from her. Mukhang may itinatago ring pagtingin.


"Come in, Art. I have been waiting for you to bring Ella here," nakangiting sabi ng doktora na nagngangalang Dra. Cynthia Santos base sa printed name na nakalagay doon sa labas ng clinic niya.

Si Dra. Cynthia pa mismo ang umestima kay Ella kahit may sekretarya naman. Nilampasan namin ang ibang naghihintay sa labas ng clinic niya at dire-diretso kaming pinapasok sa loob.

Nang umupo si Dr. Arthur sa katapat na upuan ng mesa ng doktora ay nagpasiya na rin akong umupo sa isa pang upuang nasa harapan ni Dr. Arthur. Ngunit bago pa man sumayad ang puwet ko sa upuan ay kinuha na ng doktora ang pansin ko.

"Excuse me, are you Ella's new nanny?" nakangiting tanong niya sa akin.
I felt the insincerity of her smile.

Nakahanap ka lang ng karibal, Esmeralda, kaya ganyan ka mag-isip.

Tumango ako sa tanong ni Dra. Cynthia.
"Ako nga po. Ako po si Emee," sabi ko sabay lahad ng kamay sa doktora.

Tumaas ang kilay niya nang mapatingin sa kamay ko pagkatapos ay tumingin kay Dr. Arthur at kunway natawa. Napatingin na rin ako kay Dr. Arthur, hindi na siya nakasuot ng  shades kaya kitang-kita ko ang iritable niyang mga tingin sa akin. Napilitan tuloy akong magbawi ng kamay.

What is wrong with them?

"Get out. Stay outside," pagtataboy sa akin ni Dr. Arthur.

Kung hindi ko siya kilala ay mao-offend ako dahil pinapalayas niya ako sa harapan ng isang babaeng halatang may pagtingin din sa kanya. Ngunit dahil alam kong natural na sa kanya ang tila laging galit kung makipag-usap ay nagsawalang kibo ako. Tumayo ako at umalis sa harapan nila. Akmang lalabas na ako ng pintuan nang tawagin ako ni Ella.

"Yaya, stay here!"

Napalingon ako kay Ella. Karga siya ng kanyang ama habang nakatingin sa ibang panig. Naawa naman ako sa bata.

"It's okay, baby, I will wait outside!"
Pinilit kong pasiglahin ang boses.


Narinig ko pang nagsalita si Dra. Cynthia.
"She really has a soft heart to less fortunate people, hasn't she? Such a sweet little girl."

Less fortunate what? Whatever!

Hindi nagkomento si Dr. Arthur. Inihakbang ko muli ang mga paa ko para lumabas. Pero bago ako tuluyang nakalabas ng pinto ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Dra. Cynthia.

"You know, Art, Ella needs a new mom. I think you should find another one."

Huling-huli ko ang makahulugang tingin ni Dra. Cynthia kay Dr. Arthur kasabay ng pagdantay nito ng kamay sa kamay ng manggagamot. Parang sinipa ng kabayo ang dibdib ko habang nagmamasid sa dalawa. Ayan na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko sa tuwing naririnig kong may nali-link na babae kay Dr. Arthur.


"I have no plans on marrying again, Cynthia."

Nakahinga ako nang maluwag at tuluyan nang lumabas ng pinto. Mabuti na lang at hindi tumalab ang panlalandi ni Dra. Cynthia kay Dr. Arthur, at least kampante akong walang harutan na magaganap sa loob.
Pero nalungkot naman ako sa sinabi ni Dr. Arthur na wala na siyang planong mag-asawa pang muli.

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now