Chapter 35

49.6K 1K 45
                                    

Esmeralda's PoV

"D-do you need anything?" kinakabahan kong tanong kay Dr. Arthur.

Napakapit ako nang mahigpit sa aking hand bag. Anong ginagawa ni Dr. Arthur sa Conference Room? Ang akala ko ay adjourned na ang meeting? Sinusundan niya ba ako? Blangko ang kanyang mukha. Tila ba may naglalaro sa likod ng utak niya na siya lang ang nakakaalam.

Dahan-dahan siyang umalis mula sa pagkakasandal sa pinto at humakbang papunta sa direksyon ko. Nakapamulsa siya at mariing nakatitig sa mukha ko. Nailang ako. Anong bakak gawin ng lalaking 'to sa akin?


"I said, do you need anything?" ulit ko.

Ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Gusto kong umatras ngunit nagbago ang isip ko. Bakit ako matatakot sa kanya? Hindi na niya ako empleyado! Minabuti kong itaas ang aking noo at sinalubong ang kanyang mga mata.

"If you dont need anything then I better leave."


Sinimulan ko nang humakbang upang lagpasan suya ngunit laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang baywang ko at marahas akong isinandal sa dingding. Agad naman niyang iniharang ang kamay sa may tagiliran ko upang hindi ako makapagtangkang tumakas.

Unti-unti niyang inilalapit ang mukha sa akin hanggang sa isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't isa. Napatitig ako sa maiitim niyang mga mata. Kinakabahan ako, hindi dahil kaharap ko siya kundi baka bumigay ako kapag nagtangka siyang halikan ako! Sinubukan kong itulak siya nang malakas ngunit napakatigas ng kanyang katawan! Iniharang ko ang dalawa kong mga kamay sa dibdib niya.


"Stay away from me, Dr. Arthur!" mariin kong pakiusap sa kanya.


Doon siya napaismid. Marahas niyang hinawakan ang baba ko saka sapilitan iyong inangat upang muling magsalubong ang aming mga mata.

"Aren't you tired of pretending, Ms. Suarez?"

"W-what are you talking about?"

"I was always suspicious with your motive as a nanny in my house! Starting from your fake glasses, fake brackets, fake vulnerability and fake identity. Napagtagni-tagni ko na kung bakit. You've planned this all along because you are a spoiled, rotten heiress who have grown obsessed with a doctor who saved your life nine years ago," sarkastiko niyang pahayag.


Sinubukan ko uli siyang itulak. "You dont know  what you're talking about, Dr. Arthur. Pakawalan mo ako ngayon din!" matigas kong ulit.


Ngumiti siya nang nakakaloko. Nakakapangilabot ang kanyang mga ngiti.
"Oh, come on. You're just like all those other girls, Esmeralda. You are head over heels obsessed with me. Mas madiskarte ka nga lang sa ibang mga babae d'yan dahil sinamantala mo ang pagkakataon na wala akong Yaya upang makapasok ka sa mismong bahay ko. I must commend you for that clever plan."

Nagpuyos ang loob ko sa sinabi niya.
"Yeah, I admit I became so desperate to repay you for saving my life that I disregard my pride just to be your child's nanny. I did that too because I was madly in love with you! But not anymore..."

Nabura ang kanyang ngiti sa huling sinabi ko.

"I-I'm getting married and I learned to l-love Brent," tahasan kong pagsisinungaling. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Muli niyang sinapo ang baba ko saka sapilitan iyong inangat upang magsalubong uli ang aming mga mata.
"That's not what I see from your passionate gaze. Do you think I wouldn't notice the desire in your eyes while looking intently at me in the meeting?"

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon