Chapter 36

49.4K 1.1K 37
                                    

Esmeralda's POV

Napatayo ako mula sa inuupuang Business Class seat ng eroplano nang marinig ang ibinalita sa akin ni Karla. Ikakbit ko na sana ang aking seat belt nang biglang tumunog ang aking cellphone dahil sa pagtawag ni Karla. Pauwi na akong Davao. Wala nang silbing manatili ako nang matagal sa Manila dahil tapos na ang ocular survey. Kung may kailangan pa ang mga Alarcon ay dapat ang Papa ko na ang kausapin nila.

"Oo, friend. Isinugod si Ella sa Emergency Room dahil bigla daw nahilo ang bata! Nakita ko pa kanina ang nag-aalalang mukha ni Dr. Arthur. Nandoon pa rin siya sa Emergency ngayon."

Namalayan ko na lang na tinapos ko agad ang tawag kay Karla na walang pasabi sa kanya. Nagpaalam na rin ako kay Brent. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi na dapat ako nag-aalala. Tapos na ang misyon ko sa buhay ni Dr. Arthur. Napagsilbihan ko na siya sa puntong pati ang sarili ko'y naibigay ko nang buo sa kanya. Pero bakit ganoon? Hindi ko mapigilan ang sarili kong kausapin ang Flight Stewardess at ipakansela ang aking flight.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na sumasakay ng Taxi patungong Sacred Heart Hospital. Alalang-alala ako kay Ella. Huwag naman sanang may mangyaring masama sa bata dahil tiyak na pagsisisihan ko iyon dahil iniwan ko siya at ang mga kapatid niya nang walang paalam.

Sa bawat minutong tumatakbo ang Taxi ay pabilis nang pabilis ang kaba ko. Hindi ako mapakali sa pag-aalala. Si Karla ay hindi ko na ma-contact. Mukhang naging-busy na ang kanyang linya. Panay ang usal ko ng panalangin. Kawawa naman ang alaga ko. Sana'y hindi malubha ang lagay niya.

Nang makarating ako ng Sacred Heart Hospital ay agad kong ibinigay ang bayad sa driver at mabilis na lumabas ng sasakyan. Narinig ko pang tinawag ako ng driver dahil sa sukli ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na pumasok sa bukana ng ospital.

Agad akong nagtungo sa Emergency Room at inisa-isa ang mga cubicle na naroon. Nang makita ko si Joey sa isang tabi na tila may kinakausap sa cellphone ay agad ko siyang nilapitan.

"Emee!" gulat na bulalas niya nang makita ako.

"Where's Ella? How is she?" alalang tanong ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Hindi ako nakahuma. Iyon ang unang beses na niyakap niya ako. Yakap na tila matagal nang nangungulila.

"I hate you! Why did you ever leave us? We missed you a lot, you know!" naiiyak niya pang sikmat sa akin.

Gusto kong matawa sa hitsura niya pero mas nangibabaw ang aking pag-aalala kay Ella.

"I am sorry, Joey. I'll explain it to you later but can you please tell me what happened to Ella?"

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Come with me and don't you ever let go of my hand! I'll bring you to Ella."

Napapangiti ako habang nagpapahila sa kanya. Lumalaki ang batang 'to na katulad ng kanyang ama. Dominante.
Dinala niya ako sa isang VIP room. Nang makapasok kami ay agad kong nakita si Ella na nakaratay sa hospital bed habang may nakakabit na suwero sa kamay. Halos matunaw ang puso ko sa nakita. Nandoon din si Sookie na halatang nagulat nang makita ako.

"Emee!" sigaw ni Sookie saka mabilis na umalis sa inuupuan at tumakbo sa direksyon ko. Agad niya akong niyakap nang mahigpit.
Nagtataka na ako sa kinikilos ng mga bata. Parang sabik na sabik sila sa akin.

My god! I missed them so much!

Gumanti ako nang yakap kay Sookie.

"You crazy girl! Why did you leave just like that? Aren't we friends? Friends are supposed to say goodbye to each other and not just to disappear without a word!" pagalit pang sermon sa akin ni Sookie.


Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now