Chapter 7

42.3K 1.1K 20
                                    

Esmeralda's POV

"And they live happily ever after..." Nakangiting isinara ko ang libro matapos basahan si Ella ng Beauty and the Beast fairytale book.

"I really love this story, Yaya," komento ni Ella sa garagal na boses.

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Pareho kasi kaming nakahiga sa kanyang kama habang nakapulupot ang isang kamay niya sa akin. Ang ulo naman niya ay nakadantay sa isang braso ko.


"O, bakit ka umiiyak?" natatawang pinunasan ko ang kanyang luha.

"That story touched me. Beast finally found his true love."

"Is this the first time you ever heard this story?"

Umiling siya. "I heard that from my previous yaya and even with Daddy before but no one read it the way you did. You are good in storytelling, Yaya. It sounded so real."

Napangiti ako saka hinalikan ang noo ni Ella.
"Thank you, Ella."

"I hope you do this to me every night. The way you tell the story, I perfectly pictured it out on my mind. It's as if I was in the book, looking at the characters."

Lalo akong na-touch sa sinabi ng bata.
"What about your Daddy? He's reading you a story too, right?"

"Yes, he did. But I don't want him to stay up late just to read me a story. He's been stressed enough. I wish he can find his own Beauty too."

Natawa ako nang mahina sa sinabi ng bata.
"How can you say that? Your father is King Arthur, not Beast."


Napangiti na rin si Ella.
"Sometimes he is King Arthur but all the times, he's the Beast. He has been scaring all my Yayas, you know. But I'm glad he did that because you wouldn't be able to come to our family if he didn't."

Aww... sana hindi mo ako kasuklaman kapag nalaman mo ang totoo na hindi ako totoong Yaya, Ella.

"All right, go to sleep now, little princess!" Inayos ko na ang pagkakahiga ni Ella sa kama.

"Good night, Yaya," namumungay ang mga matang sabi ni Ella.

"Good night, Baby," sagot ko saka hinalikan ang noo niya

Nang makatulog ang bata ay agad akong lumabas ng kuwarto. Nagpunta agad ako sa  silid namin ni Manang Dalya at nagpunas. Mayamaya'y ay tinanggal ko ang salamin at peke kong brackets saka humiga na ako sa kama ngunit hindi naman ako dalawin ng antok.

Nagpabaling-baling na ako sa kama ngunit mulat pa rin ang mga mata ko.
Nagpasiya akong tumayo at uminom ng gatas sa kusina. Nangangalahati na ako sa hagdanan nang makarinig nang malakas na tilamsik ng tubig sa pool.

May naliligo? Sino? Alas onse na ng gabi!

Agad akong nagpunta ng lanai upang silipin kung sino man ang naliligo. Halos malaglag ang panga ko sa napakagandang katawan—este tanawin—na bumungad sa akin. Si Dr. Arthur! Malaya niyang ikinakampay ang malalaking mga braso sa pool habang lumalangoy. I bit my lip when I saw how well endowed his behind.

Nakakahiya ka, Esmeralda! Your parents will disown you if they read your thoughts! Umayos ka!
But he looks so...hot though...

Pinamulahan ako ng mukha sa aking naisip. Kailanman ay hindi pa ako nangahas tingnan ang mga hubo't hubad na mga lalaki.
Marami akong mga manliligaw sa Amerika at Davao ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng paghanga sa isa sa kanila. Hindi sa pagmamayabang pero hindi rin basta-basta ang mga manliligaw ko, mga guwapo at hunk din sila.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon