Chapter 29

44K 1K 27
                                    

Arthur's POV

"Hey, Kuya, are you listening?"

Nag-angat ako ng tingin sa kapatid kong si Achilles nang marinig ang tanong niya. Sinabayan niya pa iyon nang mahinang tapik sa aking balikat. Napilitan akong makinig muli sa pinag-uusapan namin. Nahulog na naman kasi ako sa malalim na iniisip.

Ipinaalam ni Achilles na darating na ang VIP naming kliyente galing ng Davao City. Si Don Emmanuel Suarez. Actually ay naging pasyente ko ang anak niya siyam na taon na ang nakakalipas. Hindi ko na nga maalala ang hitsura ng batang iyon pero naaalala ko pa ang ginawa ko sa kanya. Ang anak ng Don ang nagpabalik sa kumpyansa ko sa sarili noong mga panahong lugmok na lugmok ako dahil sa pagkawala ni Margareth.

I was actually depressed when his daughter was rushed to our hospital due to a vehicular accident. Noong mga panahong iyon ay wala ako sa sarili dahil lunod sa sariling problema sa pagkamatay ni Margareth. Naisipan ko lang na dumalaw sa ospital without any reason. I was even on leave back then.

Pero nang dumaan ako sa Emergency Room at nakita ang duguan na mukha ng dalagang anak ng Don ay bigla kong naalala ang asawa ko. Ganoon din ang kalagayan niya noong dinala ko siya sa ospital.

Ayaw ko sanang makialam sa dalaga nang mga oras na iyon dahil may naka-duty namang neurosurgeon pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Something tells me I need to do something and save the girl. Walang salitang pumasok ako sa Trauma Room ng Emergency at pinangunahan ang pagsalba ng buhay ng dalaga.

That was nine years ago. I managed to bring back the girl's life, fortunately. Dahil sa pangyayaring iyon ay bumalik ang kumpyansa ko sa sarili. Akala ko ay wala akong kuwentang doctor dahil sarili kong asawa ay hindi ko naisalba sa kamatayan. Ngunit nang magising ang dalagang anak ng Don mula sa 20% chance of survival ay nagbalik ang purpose ko bilang manggagamot.

I felt sorry I neglected my responsibilities. I felt sorry I ignored my family and the company. I was being too selfish. Nalunod ako sa sarili kong problema. The girl made me realise that my life didn't stop when Margareth died. There are people who still needs me and my capabilities.

"Kuya, if you're not into it today, we can postpone it some other time. You looked troubled. Is there something wrong?"

Napatingin uli ako sa nag-aalalang mukha ng kapatid ko. Hindi ko namalayang lagpasan na pala ang tingin ko sa kanya.

"I-Im sorry. You're right. We can discuss it some other time."

"Are you alright? You want me to take your blood pressure? You looked off," nag-aalala niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "I'm perfectly fine. My BP is alright. You can leave now," pagtataboy ko sa kanya.

"Are you sure?"

"I told you, didn't I? Get out now."


Kunot noong nakatingin pa rin sa akin si Achilles bago tuluyang humakbang paalis.
Pero lumingon muna siya bago binuksan ang pinto.

"I can manage Don Emmanuel alone if you're not really feeling well. Take some time off with my nieces. Go somewhere else to relax. Huwag kang masyadong magpapakapagod."


"I'll take note of that. Now, leave!"


Iiling-iling na lumabas si Achilles. He's a cardiologist, he knows what's best for my heart but I don't have any problem with that organ. It's my brain who cant get over something...or someone else. Ironic because I am a neurosurgeon, and the brain is my expertise.

Isa sa mga bumabagabag sa aking isipan ay si Emee. We had our first big fight last night. I didnt expect that Emee would get mad and fight back at me. It was unlikely of her. She used to shut her mouth whenever we fight over something. Last night was different. I can feel her outrage. Even when we made love after the fight, I can still feel her resentment towards me. That pissed me off.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon