Chapter 22

43.9K 1K 33
                                    

Esmeralda's POV

Nakagat ko ang aking mga labi nang maramdaman ang hapdi sa aking maselang parte. Dulot pa rin iyon nang nangyari sa amin ni Dr. Arthur kagabi. Hindi lang pala guwapo at matipuno ang manggagamot, pinagpala din siya sa laki at husay sa ganoong larangan.

Namula ako nang maalala ang mainit na tagpo namin kagabi. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong hinalikan sa iba't ibang parte ng aking katawan. Ni isang parte wala siyang pinalampas. Kahit yata kasuluksulukang daliri ko sa paa ay naabot ng mga labi niya. Ganoon siya kagaling mang-romansa. Napaka-wild niyang lalaki kaya hindi na ako magtataka kung balik-balikan siya ng mga babae.

Kung sa pagpapaligaya nang pisikal ay wala akong maipipintas sa kanya, ngunit sa emosyonal ay mahina siya. Hindi siya marunong magpagaan ng loob ng isang babae. Hindi niya kayang i-handle ang pangangailangang emosyonal ng babaeng ibinigay sa kanya ang lahat sa buong magdamag. Palagay ko'y itinuring niya lang akong laruan nang mga oras na iyon.

Naninikip ang dibdib ko nang mapagtantong one night stand lang ang lahat para sa kanya. Sana naman ay mali lahat ang iniisip ko. Hindi ko inalagaan ang sarili at puri ko para lang paglaruan niya at gamitin.

Kung bakit kasi nagpadala ka sa damdamin...

Ngunit kahit ibalik ko ang nangyari kagabi, iyon pa rin ang magiging desisyon ko. Isusuko ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Mahirap siyang paghindian...
Mahirap kalabanin ang kgustuhan ng puso...

"Emee, are you, okay?"

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Joey. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang  nakatayo sa tabi ng aking kama. Nakatalubong kasi ako ng kumot habang nakahiga sa kama. Balak ko na sanang matulog at malalim na ang gabi.

"Bakit, Joey?" tanong ko. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa loob. Ganoon ako kaabala sa gumugulo sa isipan ko.

Kunot noong nakatingin siya sa akin. Nakasuot na siya ng pyjama at mukhang magpapahinga na.

"What's wrong with you? Why are you crying?" tila nag-aalalang tanong niya sa matigas na anyo. Nagmana talaga sa ama, mahirap magpakita ng emosyon.

Pinahid ko ang aking pisngi, doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Hindi ko namamalayan dahil sa matinding kalungkutan.
Bumangon ako at nag-alis ng kumot sa katawan. Sinubukan kong magkaila sa kanya.

"W-wala 'to. M-may kailangan ka ba?"

"I want a warm milk," kunot noo niya pa ring tugon.

"Ah...ganoon ba? S-sige, ipagte-timol kita."

"No need. Magpahinga ka na. Ako na lang," pigil niya.

"Akala ko ba gusto mong ipagtimpla kita ng gatas?" pagtataka ko.

"Ako na. You seem not feeling well."

"A-ayos lang ako. Sasamahan na kita," sa halip ay sabi ko na lang.

Pumayag siya at nagpatiunang lumabas ng kuwarto.
Nang makababa kami ng kusina ay siya nga ang kusang nagtimpla. Gusto ko siyang tulungan kaso tumanggi siya at pinaupo na lang ako sa stool. Pinagmamasdan ko siya habang gumagalaw. Marunong naman pala siyang magtimplang mag-isa. Napatda ako nang abutan niya ako ng baso ng gatas habang may bitbit din siyang para sa kanya.

"Drink that one," pautos na sabi niya.

"Bakit ka pa nagtimpla para sa akin? N-nakakahiya..."

Umikot ang kanyang mga mata.
"Duh. It's just a glass of milk, Emee. Don't act like as if I made you a big favor," sarkastikong sabi niya.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon