Chapter 15

43.8K 1.1K 31
                                    

Arthur's POV


"Doc, I just want to remind you that the hospital's ball will be next week."

I didn't even bother looking at Rena while she kept on talking.  I've got a lot of things running on my mind and listening to her annoying voice is the last thing in my priorities. I just finished two Craniotomies in the Operating Room for pete's sake!

Ang Craniotomy ay ang pagbubutas ng ulo ng isang tao. Its purpose is to open a portion of the skull to do a certain procedure.
Nagkaroon kasi ako ng batang pasyente kanina na may Hyrdocephalus o kondisyon na lumalaki ang ulo ng isang tao dahil sa pamumuo ng tubig sa loob ng ulo.

Ang ginawa ko ay binutasan ko ang ulo pagkatapos ay nilagyan ng tubo o catheter sa loob. VP Shunt ang tawag doon. May maliit na vacuum ang catheter na humihila sa tubig upang ito ay dumaloy at makalabas ng ulo.

Ang catheter ay nakatanim sa ulo kung saan namumuo ang tubig, itinatahi sa ilalim ng balat sa ibabaw ng tenga at konektado hanggang sa tiyan. Sa catheter na 'yon dadaan ang excess na tubig na hindi nakalabas ng ulo hanggang sa makarating iyon sa tiyan at doon maa-absorb ng katawan. Sa pamamagitan niyon, mababawasan ang tubig sa ulo at babalik sa normal ang hugis at laki ng ulo ng bata.

It took me two hours in the Operating Room to perform the surgery. I was very cautious since the brain is the most fragile and dangerous organ to operate. The brain controls everything in the body. One simple mistake, the whole life is at stake.

The operation was successful. I have handled several cases of that kind of procedure so I already knew what's gonna happen. After the surgery ay nakatanggap ako ng panibagong tawag sa Emergency Department, may isang pamilyang naaksidente at isinugod na naman sa ospital. The father had a severe head injury so I rushed down to ED to check him up.

When I saw the awful damage of that patient's skull, I know right there and then that I needed to open his head. It was shown in the CT brain that his brain had accumulated excessive amount of blood and any moment, he will die.  Nag-emergency operation na naman kami upang matanggal ang pamumuo ng hematoma sa ulo ng lalaki.

Iyong anak ng pasyenteng iyon na naaksidente rin ay inoperahan din ng kasamahan ko ring Neurosurgeon dahil nagtamo din ng head injury ang bata. Minutes later, the child was sent to Operating Room.

Unfortunately, sa kalagitnaan ng operasyon ay nag-seizure ang bata. The Neurosurgeons who handled him consulted me for the next action. I am the Chief Consultant of Neurosurgery Team at sa akin sila sumasangguni ng opinyon.

It took us approximately five hours  before the procedures were finally done for both the father and son. It was a near death experience for the both of them. It felt like I'm fighting with The Grim Reaper using the scalpel and syringes. Mabuti na lang at tagumpay ang operasyon ngunit kritikal pa rin ang kalagayan nila.

I haven't eaten nor rested. Ngayon lang ako nakababa sa opisina ko at sa totoo lang, mainit na naman ang ulo ko dahil tinambakan na naman ako ni Rena ng mga dokumento sa mesa.

"I'm not going  to that ball!" bulyaw ko sa kanya saka pasalampak na umupo ng swivel chair at hinilot ang aking sintido.

Nanatiling nakatayo si Rena sa harapan ko at humalukipkip pa.
"Doc, hospital's anniversary ang selebrasyon na iyon. Hindi puwedeng hindi ka pumunta. Ikaw ang Chairman kaya ikaw ang inaabangan ng mga tao."

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon