Epilogue

89.6K 2.1K 225
                                    

Esmeralda's POV

"Okay, Esmeralda, one, two, three...smile!"

Ipinaskil ko ang aking napakalawak na ngiti habang nagpo-pose sa sunod-sunod na flashes ng camera. Photoshoot ko ngayon para sa poster ad ng Cosmetic Clinic ng kaibigan ni Archimedes. May puting backdrop sa aking likuran at may iba't ibang klaseng lights at reflector naman ang nakapaligid sa akin.

Katabi ng photographer sina Archimedes at ang kaibigan nitong Cosmetic Surgeon na si Dra. Leilani. Matagal ko nang naipangako iyon kay Archimedes ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay lagi iyong nauudlot.
Mabuti na lang at natuloy rin. Pero hindi madali ang pinagdaanan namin ni Archimedes bago mapapayag si Arthur sa photoshoot na 'yon.

Napaka-istrikto ng mahal ko. Kung noong unang hindi pa niya ako natututunang mahalin ay medyo possessive na siya sa akin, mas lumala ngayong officially in a relationship na kami. Nang malaman ni Arthur na babae ang Cosmetic Surgeon na kaibigan ni Archimedes ay doon lang siya pumayag.
Ngunit katakot-takot na sermon at banta naman ang inabot ng kawawang si Archimedes kay Arthur bago pinayagan.

Natigilan ako sandali nang biglang lumitaw si Arthur sa likuran ni Archimedes. Nakahalukipkip siya habang nakatitig sa aking mga mata. Pumintig na naman nang malakas ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit araw-araw kaming magkasama at nag-uusap, na-eexcite pa rin akong makita siya. Hindi nababawasan ang hatid na kilabot ng lalaking 'to sa aking sistema.

Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Arthur dahil ang usapan namin, pupuntahan ko siya sa ospital pagkatapos ko sa photoshoot na ito. Hindi ko alam kung bakit sumunod siya sa studio. Namimiss niya rin kaya ako? Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa kilig.

"That's great! I love that smile, Esmeralda! You looked dashing!" anang photographer.

Nag-init ang mga pisngi ko dahil sa kanyang komento. Napansin yata ni Archimedes ang pagdating ng kanyang kapatid kaya binigyan niya ako nang makahulugang tingin.
Nang matapos ang photoshoot ay agad akong umalis sa harapan ng backdrop. Agad naman akong sinalubong nina Archimedes at Dra. Leilani saka ako kinamayan.

"Congratulations, you nailed it, Esmeralda!" nakangiting puri ni Dr. Leilani sa akin.

"Sabi ko naman sa 'yo, Esmeralda's beauty wont disappoint you!" sagot ni Archimedes.

Nag-init ang mukha ko sa papuri ng dalawa. Napakislot ako nang biglang may pumulupot na braso sa aking baywang. Si Arthur. Nakangiti siya sa akin at mukhang proud sa aking nagawa. Bumaba ang mga labi niya sa aking tenga saka bumulong...

"You look so stunning, my love. I think I fell in love with you all over again." Kinintilan niya ako nang masuyong halik sa noo.

Nag-init lalo ang mukha ko
Nakakataba ng puso. Nakakakilig! Para akong lumulutang sa ere sa kaligayahan. Sino bang mag-aakalang dadating ako sa puntong masusuklian din ni Arthur ang pagmamahal na isinisekreto ko lang dati? Napakasarap sa pakiramdam na natupad ang matagal ko nang ipinapangarap sa buhay—siya!

Gusto ko sanang tumingkayad at halikan siya sa mga labi ngunit nahihiya ako dahil sa mga taong nakatingin sa amin. Pinili ko na lang na ihilig ang ulo sa kanyang dibdib. Sapat nang naririnig ko ang isinisigaw ng puso niya—ako!

"What are you doing here, Kuya?" tanong ni Archimedes kapagkuwan.

"I'm here to take her back."

Halatang nabigla si Archimedes.
"What? Pero hindi pa kami tapos!"


"Tinatapos ko na. One shot is enough. I don't want you dragging every angle of Esmeralda's face all over the Philippines. That's my exclusive right."


Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now