Chapter 19

41.7K 968 2
                                    

Esmeralda's POV

"Shall we dance?"

Naestatwa ako nang marinig ang tanong na iyon ni Dr. Arthur. Nakatitig lang ako sa mukha niya upang malaman kung nagbibiro ba siya o seryoso. Ngunit seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kunsabagay ay hindi nga pala marunong magbiro ang lalaking ito.

Nang hindi ako sumagot ay iginiya niya ako sa gitna ng hall kung saan may mga nagsasayawan. Malamyos ang tunog ng musika. Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at ang kanyang isang kamay ay pumaikot sa baywang ko. Hindi ako makapagsalita. Napipi na yata ako habang magkahinang ang aming mga mata.

Mayamaya'y iginalaw niya ang aming mga katawan upang sumabay sa mahinang tugtugin. Kinabahan ako nang sobra. Natatakot ako na baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko sa lapit ng distansiya namin sa isa't isa.

Is this even real? I'm dancing with the man of my dreams?

Hindi niya inaalis ang mga tingin sa akin habang ako ay ganoon din. Napapitlag ako nang lumapat ang kamay niya sa mukha ko at hinaplos iyon.

"You're damn beautiful..." bulong niya.

Halos hindi na ako makahinga sa kilig. Iyon lang pala ang kailangan kong gawin upang mapansin ng lalaking ito? Ang magpaganda? Sana'y hindi na lang pala ako nagpanggap na pangit na katulong! Pero nakakalungkot namang isipin na ang ganda ko lang ang dahilan kung bakit nagbago ang tingin niya sa akin. Bigla tuloy naglaho ang excitement ko at napalitan iyon ng lungkot.

Napilitan akong tanggalin ang kamay niya sa mukha ko saka iyon ibinaba. Nagtaka ako at bigla siyang napangiti sa ginawa ko. Tumibok na naman nang malakas ang puso ko. Iyon ang unang beses na nginitian niya ako nang ganoon!

"You don't like my touch?" tila naaaliw na tanong niya.

Gustong-gusto!

Pero iba ang lumabas sa bibig ko.
"Huwag po kayong ganyan, Ser. Amo ko po kayo, katulong lang ako. Hindi porke't pumayag ako sa set-up na 'to eh, puwede na kayong magtake-advantage sa akin."

Lumapad ang ngiti ng manggagamot habang ang kanyang mga mata'y hindi nawaglit sa akin.
"You know...you are something. I know you're just pretending as a Yaya and God knows when are you going to stop your stupid drama but in all honesty, I find you interesting. Your intelligence amazes me."

Feeling ko ay namula ang mukha ko sa sinabi niya. Pero hindi ako nagpadala sa matatamis niyang mga salita.

"I'm wondering why you chose to be a Nanny despite your beauty and intelligence," patuloy niya.

Diyos ko, kung alam mo lang! Ginagamit ko ang mga 'yan upang mapalapit sa 'yo!

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa pagsunod sa mga galaw niya. Hindi pa iyon ang tamang oras para ibahagi ko sa kanya ang tunay kong pagkatao.


--------

Esmeralda's POV

"So, you're enjoying jumping from one bitch to another after you killed Margareth, huh?"

Natigilan ako sa paglapit kay Dr. Arthur nang marinig ang sinabi ng kausap niya. Napaatras ako at nagkubli sa isang malaking jar sa aking tabi saka pasimpleng sumilip sa kanila. Nag-excuse ako kay Dr. Arthur kanina na pupunta lang ng banyo. Pagbalik ko ay namataan ko na na may kausap siyang isa na namang magandang babae.

Lagi siyang nilalapitan ng mga magagandang babae kahit pa nasa tabi niya ako. Hindi ko matukoy kung importante talaga ang gusto ng mga itong sabihin sa manggagamot o sadyang hindi lang mapigilan ang kalandian.

"She's not a bitch, Brenda..." mahinahon ngunit seryosong sagot ng manggagamot.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ni Dr. Arthur. Ipinagtanggol niya ako. Pero ano daw? Pinatay ni Dr. Arthur ang asawa niya?

"Oh, really? You changed your women like you change your clothes, Arthur. I bet you dileberately killed my sister para magbuhay binata ka!"

Nakita kong napatiim bagang si Dr. Arthur sa maanghang na paratang ng babae.

"Don't bring your sister's name in your baseless claim, Brenda. Let her rest peacefully!" mahina ngunit maigting na sagot ni Dr. Arthur.


"Oh, yeah? Would she be at peace if she sees her husband f*cking almost every woman in town?"

"You're sick, Brenda. You need a psychiatrist," maanghang naman na balik ni Dr. Arthur.

Lalong nagusot ang mukha ng babae.
"You're the mad one, Arthur! Nang dahil sa 'yo kaya namatay ang Ate ko!"


Nanatili akong nakikinig kahit pa naguguluhan ako sa masasakit na sumabatan ng dalawa. Mabuti na lang at medyo walang ibang tao sa bandang iyon ng hall.


"I didn't kill her. We both know how I love your sister, Brenda!"

Nahuli ko ang pag-ismid ng babae.
"Hindi ba magaling ka? Dakila kang doktor sa paningin ng iba pero bakit hindi mo nagawang iligtas ang buhay ng Ate ko? Mayabang ka lang pero hindi ka magaling! You couldn't save your own wife's life!"
sumbat ng babae.

Nanahimik si Dr. Arthur pero ramdam kong gustong-gusto niyang sumagot. Tumaas at baba ang kanyang balikat na tila pinipigilang ilabas ang galit. Mayamaya'y marahas na hinablot niya ang braso ng babae.

"Go home, Brenda. You're drunk," matigas na utos ni Dr. Arthur.

Inalis naman nito ang pagkakahawak ng manggagamot.
"Why? Is it hard to hear the truth, Art? Don't you know how painful it is to lose the only sister you have?"


"That was nine years ago, Brenda! Don't act like you're the only one miserable here because I was broken too. I managed to moved on for the sake of my children!"


"I wonder why is it easy for you to move on from my sister's death? And now you have the nerve to live like you're a fuckin' casanova! Despite your wealth and honor, you're still a mother-fuckin' asshole, Arthur! I wish my sister didn't meet you!"


Napatiim bagang na naman si Dr. Arthur pagkatapos ay marahas tumalikod at iniwan ang babae. Malungkot na sinundan ko ng tingin ang kanyang likuran na naglalakad palayo. Napatingin ulit ako sa babaeng nagngangalang Brenda.

Nakapagtatakang umiiyak siya.Pero bakit iba ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya habang tinitingnan ang papalayong bulto ni Dr. Arthur? Larawan siya ng isang babaeng nasasaktan dahil nabigo sa pag-ibig.
Hindi kaya ay may gusto rin siya kay Dr. Arthur kaya siya nanunumbat nang ganoon at ginagamit lang ang pagkamatay ng kapatid niya?

Ano ka ba, Esmeralda? Kung ano-ano ang iniisip mo!

Minabuti kong tahimik na sundan na lang si Dr. Arthur.

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now