CHAPTER 5

43K 993 22
                                    

Esmeralda's POV

"Are you alright, Yaya? Don't get hurt by Daddy's harsh words, ha? He's not a bad person, medyo honest lang siya sometimes."

Mula sa pagsisintas ng sapatos ni Ella ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mukhang pinag-alala ko ang bata sa sagutan namin ng ama niya kanina.

"I know, baby. Your Daddy is not a bad person."

Honey, I've been stalking your Dad for the last nine years of my life and I have already memorized his attitude. Being grumpy and nasty are his natural talent.

"So, does that mean you're not leaving?"

Nagtaka ako sa tanong niya. "What made you say that? I won't leave just like that, baby."

Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.
"Thank, God!" bulalas niya.

Nagtaka ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap. Bigla akong nakarinig nang malakas na palakpak sa aking likuran kaya napalingon ako. Si Sookie. Maarte siyang pumapalakpak habang nakasandal sa pinto at nakaismid na pinagmamasdan kami. The way she pose and move, I swear she could pass as a contrabida in a Filipino Teleserye.



"What a compelling scene! I didn't know you're that martyr, Yaya Emy. I hope you could keep your word with Ella," patuyang saad niya.

Gusto kong matawa sa asta ni Sookie. She acts and talks like she's a grown up while in fact, she's just a thirteen year old girl.

"I always keep my promise, Sookie," nakangiting sagot ko.

Umismid siya saka pinaikot ang mga mata.
"Yeah, right. Tell me that after you see Daddy's beast mode. FYI, ikaw na ang pang one hundred and five na Yaya ni Ella. And all those Yayas went running home, crying, because of Daddy."

Oh, you're scaring me, sweetheart?

Nanatili akong nakangiti. Sinisindak ba ako ng batang ito? Pero hindi ako magpapaapekto dahil mahalaga ang sadya ko sa bahay na iyon. Ang masuklian ang kabutihan sa akin ni Dr. Arthur. At kahit lagi akong singhalan at pagalitan ng tatay nila, mananatili ako roon hangga't hindi ako nagtatagumpay sa aking misyon!

•••

"Saan po tayo pupunta, Ser?" tanong ko kay Dr. Arthur nang bigla niyang kargahin si Ella at binuksan ang kanyang Fortuner na sasakyan.

He said he had to bring Ella outside without giving me an earlier notice. He just literally gave me five minutes to fix myself and change my clothes. Nagkumahog tuloy akong umakyat sa silid namin ni Manang Dalya at mabilis na nagpalit ng damit panlakad.

This man is really something else!

"Ser?" muling tanong ko nang hindi siya sumagot.

Hindi siya kumikibo habang ipinasok si Ella sa passenger's seat. Ingat na ingat siya sa kanyang anak. Sina Sookie at Joey ay kanina pa hinatid ng driver sa school. Bigla kong naalala na hindi pa pala nakapagpahinga o nakatulog man lang si Dr. Arthur mula sa duty niya kagabi.

I cant help but stare at him doing his stuff. Nakasuot na siya nang bagong damit at mukhang nakapaligo na. Nakasuot din siya ng itim na salamin sa mata. He looks fresh and enticing. Nahulog na naman ako sa pagpapantasya sa kanya. He's undeniably gorgeous in-spite of him being snobbish and mean. Ewan pero parang nakadagdag pa sa hotness niya ang kanyang kasungitan.

Head over Heels(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon