Chapter 2

51.4K 1.1K 81
                                    

Esmeralda's POV

Na-impress agad ako nang makita ang bahay ni Doctor Arthur. Hindi kasing laki at lawak ng bahay namin sa hacienda ang mansyon ng manggagamot ngunit magara pa rin ito.
This house has a minimalistic interior design, wala masyado furnitures at decorations. Monotone din ang kulay ng buong kabahayan.

The house looks simple but I have a feeling that every corner and piece are expensive. I know an expensive thing when I see one. Sa simpleng painting pa lang na nakasabit sa dingding ay alam kong worth million na ang halaga n'on. Ang mga furnitures, bagama't simple lang ang design, ay alam kong inangkat pa sa ibang bansa.

But aside from all those subtle grandiosities, I can sense something's off in this house. Parang kulang sa sigla kahit may mga batang nakatira. Parang walang buhay tingnan. Nakuha ng isang malaking grand piano sa sala ang atensyon ko. Sa ibabaw ng piano ay may mga picture frames na nakahilera na hula ko ay ang pamilya ni Doctor Arthur.

Napansin ko ang isang malaking picture frame ng isang babae sa gitna ng iba pang mga picture frames.
Namangha ako sa ganda ng mukha ng babae. She looks like an angel sent from heaven. Her smile is contagious too. Pati ako ay napapangiti habang pinagmamasdan ang babae sa litrato.

Siya kaya ang asawa ni Doc? Pero alam ko, patay na siya nine years ago.

Kinuha ko ang picture frame at tiningnan ito nang malapitan. Napakaganda talaga ng babae. Kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa kanya. Mukha rin siyang mabait.


"WHO ARE YOU!?"

Gulat na nabitawan ko ang frame dahil sa lalaking bigla na lamang sumigaw sa likuran ko. Gusto ko pa sanang saluhin ang frame ngunit nagtuloy-tuloy iyong nahulog sa sahig at nabasag. Napaawang ang bibig ko sa nangyari. Nang dahan-dahan akong lumingon upang kilalanin ang sumigaw ay daig ko pa ang tinamaan ng kidlat.

Doctor Arthur!

Pumitlag nang malakas ang puso ko. Kikiligin na sana ako dahil nasilayan ko na rin sa wakas nang malapitan ang kaguwapuhan niya kaso nang mapansin kong nagdilim ang kanyang mukha habang nakatingin sa nabasag na picture frame sa sahig ay nangamba ako.

Tarantang pinulot ko ang mga nabasag na piraso ng frame. Napakislot pa ako dahil biglang natusok sa  matulis na dulo ng salamin ang daliri ko. Dumugo ang sugat sa aking daliri pero nagpatuloy ako sa pagpulot ng mga basag na piraso. Hindi ko alam kung mababawasan ang galit ni Dr. Arthur sa ginagawa ko.

What an epic way to make a comeback, Esmeralda! naiinis na sabi ko sa sarili.

Nakarinig ako nang malalakas na mga yabag papunta sa direksyon ko na hula ko'y sa kanya dahil siya lang naman ang kasama ko roon. Inaanticipate ko na ang paglalapit namin ngunit nagulat ako nang bigla niya niya akong hinila ng marahas patayo.

"I asked you, weren't you listening? Who are you?!" galit na tanong ng baritono niyang boses.

God, I've been waiting since forever to hear his voice, not his scream!

Napalunok ako. Nalunok ko na rin yata lahat ang gusto kong sabihin. Hindi na kasi ako makapagsalita dahil naunahan ako ng kaba at takot. Parang na-delete lahat sa utak ko ang inensayo kong sasabihin sa muling pagkikita namin.

Head over Heels(Completed)Where stories live. Discover now